^

Para Malibang

Nakokonsensiya sa pagkakamaling nagawa

IDAING MO KAY VANEZZA - The Philippine Star

Dear Vanezza,

Nagkaroon ako ng relasyon sa sarili kong bayaw. Naging lihim ito sa loob ng dalawang taon hanggang sa malaman ito ng aking ate na asawa niya. Dahil dito nagpakamatay ang aking kapatid. Sinusumbatan tuloy ako ng aking konsensiya dahil sa nangyari. Mahal ko ang aking bayaw at mahal din niya ako. Hindi niya kasi totoong mahal ang ate ko at siya ay pinikot lang kaya napilitang magpakasal. Ang totoo, ako ang una niyang niligawan noon. Kaso hindi ko siya sinagot dahil tinukso siya ng aking kapatid. Magkagayunman, hindi ma-take ng konsensiya ko ang nangyari. Nakipag-break na rin ako sa bayaw ko at tinanggap naman niya ang paghihiwalay namin dahil may sumbat din sa kanyang budhi. Anong gagawin ko para lumuwag ang aking dibdib?

Sagot:

Nangyari na ang hindi dapat mangyari at hindi na maibabalik ang nakaraan para baguhin. Nagkamali man ang ate mo sa pagpikot sa iyong manliligaw, mali pa rin na pagtaksilan n’yo siya. Tanggapin mo na lang ang consequence ng iyong nagawang kasalanan, magsisi ka at hingin ang kapatawaran ng Dios.

vuukle comment

AKING

ANONG

DAHIL

DEAR VANEZZA

DIOS

KASO

MAGKAGAYUNMAN

NAGKAMALI

NAGKAROON

NAKIPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with