^

Para Malibang

‘Sexual response cycle’

MAINGAT KA BA? - Pang-masa

Marami sa atin ang nagkakaroon ng  problemang sexual. Ngunit kailan at paano mo masasabing may ganito kang problema? Magkakaiba kasi ang interes natin sa sex gayundin ang ating reaksiyon sa sexual stimulation lalung-lalo na sa mga babae. Nagkakaroon ng sexual problem kapag naapektuhan ang satisfaction ng isang tao sa sexual activity na karaniwang tinatawag na sexual dysfunction. Para maintindihan natin kung bakit nagkakaroon ng problemang sekswal, mahalagang maintindihan natin ang cycle ng sexual response. Narito ang cyclye na pinagdaraanan ng babae at lalaki ayon sa emedicinehealth.com. Alalahanin natin na magkakaiba ang antas ng ating sexual response.

Pagnanasa (excitement phase) -  Ang pagnanasa ay sexual ‘charge’ na nagpapataas ng interes at responsiveness sa sexual activity. Nagkakaroon ng gana, nasa mood,  ‘nae-‘L’ ika nga. Bumibilis ang tibok ng puso, bumibilis ang paghinga, nagkakaroon ng pamumula ang balat,.

Arousal (plateau phase) – Sa yugtong ito, nadadagdagan ang  pagbabago sa iyong katawan bunga ng sexual stimulation dahil sa touch, vision, hearing, taste, smell, o imagination. May lumalabas na fluid sa vagina sa mga babae kaya nagkakaroon na ng pamamasa sa labia at vulva na makakatulong sa lubrication para sa intercourse. Lumalaki na ang vagina gayundin ang clitoris at tumitigas ang nipples. Sa panig ng mga lalaki, nag-iinit na ang kanilang katawan at nagkakaroon na ng erection.

Orgasm (climax) -  Kapag arouse na arouse na, ang mga muscles sa palibot ng vagina ay nagko-contract  rhythmically na nagiging sanhi ng kaaya-ayang sensation na siyang tinatawag na sensation sexual climax. Sa mga lalaki, nararamdaman na nila ang contraction sa penis, prostate at pelvic region na sinasabayan ng bumibilis na tibok ng puso, mabilis na paghinga, pagtaas ng blood preasure na nagreresulta ng biglang pagrerelease ng tension. Bago mag-climax, nagkakaroon ng seminal fluids sa base ng penis sa urethral bulb na nararamdaman bago mag-ejaculate at kasabay ng pagre-release ng tension ay ang ejaculation.

Resolution – Ang vagina, clitoris, penis at ang paligid  ng private part ay babalik na sa normal kaya magiging magaan ang pakiramdam, relax at malamang ay antukin.

 

ALALAHANIN

BUMIBILIS

COM

EMEDICINEHEALTH

KAPAG

LUMALAKI

NAGKAKAROON

SEXUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with