Ghost Lake (13)
ANG sumunod na namalayan ni Paolo, siya ay wala na sa pusod ng dagat kundi nasa dalampasigan na. Nakahandusay, groge.
Nilalaru-laro siya ng mumunting alon,
“Hoy, gising! Bangon!” May mga lalaking yumuyugyog sa kanya.
“Sino kayo? Saan ako naroon?” magkasunod niyang tanong, bumalikwas na.
“Barangay tanod kami. At narito ka sa gilid ng lawa.”
“At hubad na hubad ka! An’ sagwa mo!” dagdag ng isa pa.
Hubad nga siya. Agad naghagilap ng damit ang binata. Nakita niya sa di-kalayuan ang mga damit na hinubad.
Naalala niya si Dolores. Ang pagsisid sa pusod ng dagat at ang kababalaghang nakita niya sa ilalim.
Litung-lito si Paolo.
“Hoy, pare, hindi mo pa sinasabi kumbakit ka nakabulagta na bold! Nalasing ka ba? Ano’ng drama mo?”
Itinuro ni Paolo ang lumang kotse niya sa di-kalayuan. “Akin ‘yon. Matino akong tao. Ako si Paolo Bulaong…”
Nakilala siya ng mga tanod. “Aba, ikaw nga ‘yung nasa mga leaflets! Ang kandidato sa pagka-meyor!”
“Mahabang istorya kapag sinabi ko pa kumbakit ako napadpad sa pampang na walang damit. Makabubuti pang pare-pareho na tayong magpahinga, mga kabayan. Madaling-araw, nais ko nang umuwi.”
Wala namang nagawa ang mga tanod kundi payagang makaalis ang binata. Sapat nang ito’y hindi napahamak sa kanilang teritoryo.
Hanggang sa makauwi na ay hinihimay ni Paolo sa isip ang mga pangyayari. Natitiyak niyang nagkita sila ni Dolores.
“Sumisid kami na parehong hubad na hubad. Narating namin ang ilalim ng lawa. Walang galleon na lumubog…”
Nagkausap sila ni Dolores habang nasa ilalim ng tubig.
“At nakaka-amaze na 30 minutes na kami sa ilalim ay hindi pa kami nalulunod na dalawa! Para kaming scuba divers na walang scuba gear!”
Napalunok si Paolo, ayaw isipin man lang ang tanawing natuklasan—sa pusod ng dagat.
Pero ayaw maalis sa kanyang kamalayan. “Nakalibing sa pinakamalalim na bahagi ng Camachile Lake ang napakaraming kabaong.”
“Nangyari nga ba iyon? O nanaginip lamang ako?” (ITUTULOY)
- Latest