^

Pang Movies

Alden nasa Viva na?! bibida kasama si Julia sa Thai supernatural film!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Kapuso matinee idol, singer, actor and entrepreneur Alden Richards ay magpapatuloy ang pagkinang hindi lamang bilang singer, actor, celebrity endorser, restaurateur at bilang concert and film producer dahil palalawakin pa niya nang husto ang kanyang pagiging isang matagumpay negosyante by collaborating with Viva Group of Companies na pinamumunuan ng Chairman-CEO na si Boss Vic del Rosario, Jr.

Sa pamamagitan ng kumpanyang itinatag ni Alden, ang Myriad Entertainment, isang multimedia company, maisasakatuparan na niya ang iba pa niyang mga plano sa tulong ng Viva which into various fields of businesses tulad ng pelikula, music, live events, talent management, restaurants industry at iba pa.

With his co-venture with Viva, inaasahang makakagawa siya ng dalawang pelikula sa loob ng isang taon at kasama na rito ang 000, isang Netflix film kung saan siya mismo ang bida at director at Mak-Mak, Filipino adaptation ng isang Thai supernatural film, Pee-Mak na pagtatambalan nila ng Viva star na si Julia Barretto.

Itutuloy na rin ang ika-apat na major concert ni Alden in co-production with Viva Live at iba pa nilang future co-productions sa concert scene.

Since nasa restaurant business din siya, inaasahan ding malalago rin ang nasabing restaurant sa pakikipagtulungan with Viva Foods.

Alam mo, Salve A., hindi rin kami magtataka if one of these days ay nasa bakuran na rin siya ng Viva Artists Agency (VAA), ang talent management arm ng Viva bilang isa sa kanilang major talents.

Wanna bet?

Maja, nakahanap ng totoong tao!

Nag-iisa lamang ang Rei Anicoche-Tan in this industry na napapalibutan ng mga real and unreal people.

A self-made woman who earned her first millions in her early 30s, ang maganda sa kanya, marunong itong makisama at mag-share ng kanyang continued blessings kaya naman mahal na mahal siya hindi lamang ng kanyang mga empleyado, her top-notch celebrity brand ambassadors (more than a hundred of them), ng kanyang mga dealer and distributor (here and abroad) kundi laluna ng entertainment media and vloggers laluna ang kanyang mga scholar (nationwide) na patuloy niyang sinusuportahan maging ang iba’t ibang charity institutions na kanyang tinutulungan.

Sa renewal ng kontrata ni Maja Salvador (her 4th year) with Beautederm bilang brand ambassador na ginanap sa Forum A&B ng Solaire North in Quezon City last Wednesday afternoon, muling ipinakita ng young and successful businessman na si Rei ang kanyang pagiging ever-gracious and generous lady.

Kaya nga sobra ang pasasalamat niya na nakilala niya ang kanyang Manang Rei hindi lamang bilang isang negosyante kundi bilang isang caring and generous friend.

“Mahirap makahanap ng mga totoong tao,” ani Maja who looked radiant in her modern Filipiniana attire.

May mutual admiration sila sa isa’t isa dahil beyond their business partnership ay natagpuan nila ang genuine friendship sa kanilang pagitan.

“We’re like a family now,” ani Maja na sinegundahan naman ni Rei.

Bukod sa genuine friendship na na-develop nila sa isa’t isa through the years, puring-puri rin ni Rei si Maja sa pagiging effective brand ambassador nito ng Beautederm at napakasipag din umano sa pagpu-promote ng mga produktong ineendorso nito.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with