^

Pang Movies

Gay benefactor ng junior actor na nakulong, tuloy na naman ang kaligayahan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Back to his normal self ang isang junior actor na ilang buwan ding nalungkot dahil nakulong ng ilang araw ang kanyang gay benefactor na paminsan-minsan eh may involvement sa movies!

Nakalabas na kasi at napawalang sala sa reklamong isinampa si gay benefactor. Pero nung time na nasa selda, lungkot na lungkot ang junior actor dahil natigil ang sustento sa kanya!

Eh may ilang taon na rin kasing sustentado ang junior actor kahit walang projects sa TV o movies. Tapos na rin kasi ang heydays ni junior actor at bano rin namang umarte kaya madalang ang trabahong nakukuha!

Tahimik na rin si gay benefactor ngayon at lihim pa rin ang ugnayan nila ni junior actor!

Jojo, kakasuhan si Mark?!

Winakasan na ng Revival King na si Jojo Mendrez at ng kanyang mana­gers ang anumang kaugnayan kay Mark Herras!

Ang nakaraang Star Awards for TV ang last straw upang tapusin ni Jojo ang anumang kaugnayan kay Mark.

Pero ibang usapan ang tungkol kay Rainier Castillo.

Idiniin nito na walang malisya ang friendship nina Jojo at Ranier, huh!

Basta si Jojo, tuloy lang ang promotions ng single na Nandito Lang Ako. Natulungan niya si Mark at ang managers na lang niya ang mag-aasikaso sa reklamong ihahain niya laban kay Mark sa perang ipinahiram niya!

Tuloy ang buhay sa Revival King at ire-revive na lang ang mga kantang Tamis ng Unang Halik, I Love You Boy at Pare Mahal Kita!

JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with