^

Pang Movies

Sunshine, nadiskubreng May autoimmune disease!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Sunshine, nadiskubreng May autoimmune disease!
Sunshine Cruz
STAR/File

Parang Kris Aquino

Inilantad ni Sunshine Cruz na na-diagnose siya na may autoimmune disease na tinatawag na myasthenia gravis, isang sakit na pinupuntirya ang mga kalamnan. Ito ay matapos siyang magpakita ng kaseksihan sa katatapos na Bench Body of Work fashion show last Friday.

Aniya sa isang post kahapon: “It’s been a real roller coaster these past months. I was diagnosed with an auto immune disease called myasthenia gravis which has made building muscle a real struggle. But I’m so thankful for the strength I’ve found. Thank you @coach.iya. Walking for Bench was a powerful reminder of what’s possible even when things are tough. To all my fellow moms and Gen Xers, never give up on your dreams. Thank you Sir @bcbench for making mine a reality. I’m so honored to be part of the Bench family. The show was incredible. Everyone was AMAZING!” bahagi ng post niya na binanggit din ang bawat isa sa kanyang team.

Ayon sa mayoclinic.org, walang gamot ang ganitong sakit: “Myasthenia gravis (my-us-THEE-nee-uh GRAY-vis) causes muscles under your voluntary control to feel weak and get tired quickly. This happens when the communication between nerves and muscles breaks down.

“There’s no cure for myasthenia gravis. Treatment can help with symptoms. These symptoms can include weakness of arm or leg muscles, double vision, drooping eyelids, and problems with speaking, chewing, swallowing and breathing.

“This disease can affect people of any age, but it’s more common in women younger than 40 and in men older than 60.”

Si Kris Aquino ang naalala ng lahat sa nasabing karamdaman ni Sunshine. Ipinagpatuloy ni Kris ang kanyang paggamot na may karagdagang mga sakit sa autoimmune. Nabanggit niya sa huling post na: “Pre­viously, I enumerated my autoimmune conditions: 1. Autoimmune Thyroiditis; 2. Chronic Spontaneous Urticaria; 3. EGPA (a rare, life-threatening form of Vasculitis); 4. Systemic Sclerosis; 5. Lupus/SLE; and 6. Rheumatoid Arthritis. Added to that list is 7. Fibro­myalgia. I have also been exhibiting confirmatory symptoms for 8. Polymyositis and 9. Mixed Connective Tissue Disease,” pagbabahagi niya.

Lady in red si Sunshine na rumampa sa runway na nag-flying kiss pa sa front row kung saan nakaupo ang karelasyong si Atong Ang.

Proud na proud naman ang actress na nakasama niyang rumampa sa ang anak na si Angelina noong Biyernes bago niya inamin ang tungkol sa kanyang karamdaman.

Movie industry nasa painful transition, local producers nag-e-explore sa international film market

Naniniwala si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Joey Reyes na malaki ang maitutulong ng mga international film market upang muling lumakas ang local movie industry.

Masakit mang tanggapin pero talagang hirap ang industriya ng pelikulang Pilipino na makabangon. Walang masasabing box office hit bago at pagkatapos ng mga pelikulang Rewind at Hello, Love, Again sa nakalipas na dalawang taon.

Last week ay ginanap ang Hong Kong FilMart at so far, ito na ang may pinakamaraming delegasyon ang Pilipinas.

At alam ni Direk Joey na panahon na upang mas palakasin pa ang pagpapakilala ng ating mga pelikula sa ibang bansa.

Kabilang sa mga dumalo rito ang Viva Films na pinangunahan nina Boss Vic, Vincent and Valerie del Rosario, Regal Entertainment sa pangunguna ng mag-inang Roselle and Keith Monteverde, Rein Entertainment sa pangununa ni Direk Lino Caye­tano, Ms. Charm Guzman and Maryruth Maximo.

Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga producer na kumonekta sa mga potential international distribu­tors and co-production partners at naipapakita nila ang exciting projects, kaya nagpapasalamat sila Direk Lino sa FDCP.

“I think, the producers sustain the industry, helping the producers, and at the same time, making them finally realize na hindi ka lang dapat mag-depend sa local market. Kailangan mo talaga mag-explore. Yes, mag-explore talaga. Kasi sabi ko nga [kung] aasa ka sa local market, out of all, lugi ka,” umpisa ni FDCP Chair Reyes.

Sa kasalukuyan ay tatlong genre ang pinu-push nila na alam niyang malakas ang magiging dating sa international market.

“One is animation, kasi ang daming magagaling na Filipino animators. The moment [na gumaling] sila, nagma-migrate. So, pinu-push namin ang animation business dito. And if you look around, ang daming animation content at ang kulang lang sa atin ay ‘yung laman ng ginagawa nating animation to make it global. Ikalawa ‘yong documentary. ‘Di ba mayroon ngayon ‘yong controversy sa documentary? Documentary filmmaking. And then third is the short films. Kasi may market ‘yan. Pero kasi we want to do full-length features. Ang mamahal. Tulad ng sa MMFF, hundreds of millions ang halaga. So, ang fighting chance mo na makabawi, juskolord ‘di ba?” paliwanag ni Chair Joey na mas gustong tawaging Direk Joey kesa Chair Joey.

Alam din niyang nasa critical transition ang ating industriya dahil sa pagbabago ng interes ng mga manonood.

“Everybody is in a dysfunctional condition kasi we are going through a period of painful transition. [And] one thing is we cannot go back to 2018, the pre-pandemic days. Because it has changed. The pandemic really changed all of us. Changed our [way of living].

“We are talking now [about] the reasons for suffering, except for two countries, except for Indonesia and Malaysia. [Both] nagta-thrive and that’s mainly because very-very nationalist ang mga tao na iyon. Pina-patrionize ang mga gawa ng locals. And secondly, these countries are not primarily English speaking. So, they need subtitles to make them really watch what they like. The rest—Korea—is in a bad state. Although ang daming factors eventually brought that. So we’re not fully the ones who are suffering; it’s a worldwide thing. At sa atin lang—nakakasakit ng loob, imagine mula noong MMFF hanggang ngayon, wala na ni isang Filipino movie na kumita. Tapos in-admit ng CEA, Representative of Cinema Exhibitor’s Association, na ‘yong box-office receipt ng January 2025 is only 41% from January 2024. Kasi ‘yong January 2024, andoon pa ‘yong buntot ng Rewind,” dagdag pang paliwanag niya nang makausap namin sandali sa kanyang break sa FilMart noong nakaraang linggo.

Kaya’t ang delegasyon ng bansa sa katatapos na FilMart ang pinakamalaki.

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with