Eraserheads, bubuuin ulit

Ang bongga naman ng bandang Eraserheads na ‘nagkabalikan’ na raw at magpapaka-aktibo na ulit.
Ang frontman daw mismo na si Ely Buendia ang nag-anunsyo ng magandang balita.
Wala na raw mangyayaring Huling El Bimbo reunion dahil mananatili na raw sila hanggang sa mag-break daw sila ulit.
‘Kaloka.
Mukhang naumay na rin sila sa ilang beses nilang reunion kaya nagbalikan na lang sila for good.
Siguro hindi rin naman ganun kalaki ang naging away nila kung meron man kaya naging madali ang healing process nila.
Saka siguro mas mature na sila ngayon kumpara noon kaya mabilis ang naging paghilom nila.
Ang bongga na magkaka-pelikula sila at right timing lang daw ang pagkakaroon nila ng documentary.
Pakiramdam nga raw ni Ely ay mas marami pang positibong mangyayari.
At in fairness ang dami pa rin talaga nilang fans. Talagang hindi maikakaila na icon na sila ng OPM (Original Pinoy Music) ha.
Tama na ang hate, at love love love lang para bongga.
Hahaha. Sa totoo lang, parang may pakialam naman ako sa kanila.
- Latest