Arci, nahihirapang humanap ng bagong lalaki

Matagal nang nag-break sina Arci Muñoz at ex-boyfriend niyang si Badi del Rosario pero nananatiling sariwa pa sa aktres ang memories ng kanilang naging relasyon.
Si Badi ay isang rock artist sa Pilipinas at anak siya ng prinsipe ng Brunei na si Prince Jefri Bolkiah. Apat na taon din ang kanilang naging relasyon ni Arci. The actress announced their breakup in 2017.
Sa guesting ni Arci sa Fast Talk with Boy Abunda, naitanong ni King of Talk Boy Abunda ang tungkol sa ex-bf niyang miyembro ng royal family at pawang magagandang salita ang sinabi ng aktres.
“He’s such a great guy and I had the best time of my life. He’s a great person. He’s simple yet luxurious at the same time. This person is so simple yet with his estado niya sa life, wala, he doesn’t really use that. He’s so down to earth,” paglalarawan ni Arci sa ex-dyowa.
“He makes me feel like a queen,” dagdag pa niya.
Papuri pa ng aktres, napaka-humble raw nito at minsan nga ay tinatakasan pa raw nito ang mga bodyguard.
“Kasi, he wants his privacy also and freedom. And he’s very cool also,” sambit pa niya.
When asked kung ano ang natutunan niya sa relasyon niya with him, ayon kay Arci ay nahirapan na raw siyang mag-boyfriend ulit dahil mahirap na raw sundan ang level nito.
“What I’ve learned is that you can’t just love somebody that much. Kasi parang we had this really deep connection and he set the standard so high. Natutunan ko tuloy, ang hirap na mag-boyfriend ngayon,” sabay-tawa.
She also revealed na ultimate love niya si Badi.
“I’m so happy for him. If I see him which has never happened yet, so when I see him, I wanna tell him how happy I am for him. Coz, you know, our relationship, kahit na we didn’t end up together, you know, I admit na talagang it was solid,” sey niya.
Sharon, nagpatanggal ng mga peklat sa braso
Ipinatanggal ni Sharon Cuneta ang kanyang mahahabang scars sa magkabilang braso na dulot ng pagpapa-arm tuck niya last year.
Sa video na ipinost ng celebrity doctor na si Aivee Teo sa Instagram ay mapapanood ang scar treatment na ginawa niya kay Megastar. Makikita nga rin dito ang mahahabang peklat ni Shawie sa magkabilang braso.
“That’s the one, my surgery—when we removed skin,” sey niya habang ipinapakita ang dalawang mahabang peklat sa braso.
“Imagine ang laki ng excess skin d’yan na tinanggal,” sey pa niya.
Sa video ay ipinakita’t in-explain ni Dra. Aivee ang proseso ng scar treatment na ginawa niya kay Shawie.
“Of course, when you do an arm tuck, medyo may scar. So, what we’re gonna do is we’re gonna inject which is good for treating scars or mga surgical scars,” paliwanag ng dermatologist.
Matatatandaang inamin ni Mega late last year na nagpatanggal siya ng laylay sa braso. Ito nga ‘yung tinatawag na arm tuck.
Ayon sa isang medical website, “An arm tuck, also known as a brachioplasty or arm lift, is a cosmetic surgery that reshapes the underarm region by removing excess skin and fat, tightening the remaining tissue, and improving the overall appearance of the upper arms.”
Ginagawa ang arm tuck “to address sagging or loose skin and fat on the underside of the upper arms, often resulting from aging, significant weight loss, or genetic factors.”
Dahil nga pumayat na siya ay nagkaroon na ng loose skin ang kanyang mga braso kaya ipinatanggal niya ito na nagdulot naman ng mahahabang scars.
As we all know ay nasa nine years na ngayon ng pagpapapayat si Sharon at makikita nga sa mga recent photo niya na ang laki naman na talaga ng ipinayat niya.
- Latest