Magda-dalawang taon na ring hiwalay ang dating mag-asawa, ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati who are co-parenting their two sons na sina Zion at Kai. Nasa process na rin umano ng annulment ang kanilang civil wedding na nangyari nung March 14, 2020 in Taguig City.
Last March 21 was Kai’s 7th birthday pero umuwi ng Pilipinas galing sa Amerika si Richard in time for his youngest son’s birthday.
Adjusted na ang mga bata sa magkahiwalay na buhay ngayon ng kanilang parents.
Si Richard ay nali-link ngayon sa Kapamilya actress na si Barbie Imperial habang tahimik lamang ang kampo ni Sarah.
Samantala, masaya si Richard sa magandang takbo ng kanyang bagong action-drama series, ang Incognito kung saan niya mga kabituin sina Daniel Padilla, Maris Racal, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Baron Geisler at Ian Veneracion.
Since his Iron Heart series ay sobrang ini-enjoy ng nakababatang kapatid ni Ruffa Gutierrez ang kanyang bagong status bilang action star.
Joshua at Kathryn, bagay sugalan
Malaking tagumpay ang Body of Work Show, ni Ben Chan na ginanap sa SM MOA Arena nung nakaraang Biyernes ng gabi kung saan muli nilang napagsasama-sama ang halos lahat ng stars in one event sa pangunguna ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo at Kapuso-prized actor na si Alden Richards, ng record-breaking movie na Hello, Love, Again.
Na pagkatapos ng malaking tagumpay ng balik-tambalan ng KathDen tiyak ding naghahanap ang Star Cinema/ABS-CBN ng bagong proyekto for Kathryn at malamang na i-consider din nila sina Joshua Garcia at David Licauco as her future leading men na malakas ang naging dating sa Body of Work Show nung sila ay nasa entablado.
Karamihan ngayon ng mga young leading men ay pangarap na makapareha si Kathryn who can stand on her own without banking on a loveteam.
Speaking of Kathryn, she will be celebrating her 29th birthday sa darating na Miyerkules, March 26.
Magpakita pa rin kaya si Alden o may iba nang personalidad ang lulutang sa kanyang kaarawan? Gaano rin kaya katotoo ang balita na muli umanong nagpaparamdam ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla na gusto umanong ma-win back ang dating kasintahan?
Inamin naman ng Kapamilya superstar na parati umano siyang nakakaramdam ng kakaiba sa tuwing papalapit ang kanyang kaarawan.
Matupad kaya ang kanyang wish noon nung sila pa ni Daniel na gusto na niyang mag-asawa before she turns 30?