^

Pang Movies

Hajji, nawalan ng muscles sa stage 4 colon cancer!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Hajji, nawalan ng muscles sa stage 4 colon cancer!

Nagsalita na ang long-time partner ni Hajji Alejandro na si Alynna Velasquez tungkol sa health condition ng OPM singer.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay napabalitang nasa ICU (intensive care unit) si Hajji at nakikipaglaban sa kanyang buhay dahil sa kanyang sakit na stage 4 colon cancer.

Pagkatapos nito ay wala nang nabalitaan pa ang publiko tungkol sa singer at wala ring naging pahayag ang kanyang pamilya.

Sa panayam ni Julius Babao kay Alynna sa kanyang YouTube vlog na Unplugged, ibinahagi niyang nakalabas na ng hospital si Hajji at kasalukuyang nagpapagaling.

Nag-open up din ang partner ng singer kung paano nadiskubre ang sakit nito.

Ayon kay Alynna, one time sa isang show ni Hajji at ng Hitmakers sa Vigan ay bigla na lang daw itong nag-bloat at hindi makahinga’t makakain.

Pinayuhan daw niya itong magpa-check up at ginawa naman ng singer.

Stage 4 colon cancer na raw agad ang findings at kailangan daw isailalim A.S.A.P. sa isang operasyon.

When asked kung ano ang naging reaksyon ni Hajji sa kanyang sakit, ayon kay Alynna ay hindi raw ito kaagad naniwala pero alam niyang natakot din ito.

“He’s just been very strong. You know, bigla lang talaga, eh. Naggo-golf siya, he does everything, he walks, ako nga ‘yung tamad, eh. Healthy eating naman siya and all of a sudden, you know, that happened,” pagbabahagi ng GF ni Hajji of 27 years.

Nagpaopera raw ito at okay naman daw ito after the operation pero after two or three days ay kinailangan nilang isugod sa ospital dahil nagkaroon ito ng seizures. The doctors found out na nagkaroon ito ng infection kaya’t kinailangang ipasok sa ICU.

“After a week, tinanggal na ‘yung respirator niya. And then, he began to talk. And it was my birthday when I prayed, sabi ko, ‘Lord, sana, sa birthday ko, nasa regular room na siya.’

“And my prayer was answered. Nasa room na siya. Ngayon nagte-therapy siya nu’ng mga sumunod na araw. And today, he’s home,” ang sabi ni Alynna.

“And meron lang siyang water, kasi nag-aaral ulit siyang galawin. Kasi, nawalan na siya ng muscles, eh. Talagang wala. He’s incapacitated at one time,” pagbabahagi pa niya.

“Pero ang ganda ng memory niya pa rin. Kwento pa rin siya nang kwento about things that we don’t remember anymore,” dagdag pa niya.

Bukod dito ay maganda pa rin daw ang boses nito kaya nagpasalamat din si Alynna sa mga doktor nito for taking care of his vocal cords.

Sey pa ni Alynna, mas gumuwapo pa raw si Hajji ngayong medyo pumayat na.

Ini-reveal din ng partner ni Hajji na hiwalay sila ngayon dahil medyo complicated ang sitwasyon because of his family.

Nang mahingan ng mensahe for Hajji, ani Alynna, “Love, if you’re watching this, pareho tayong nagugulat sa mga nangyayari like ‘yung what you’re going through right now. I just want you to know that I am with you. All the pain that you feel, I feel it 200 times.”

Wish din ni Alynna na gumaling na si Hajji at makakanta na ulit.

“Kung anuman tayo ngayon, it’s okay, okay lang ako,” pahayag pa ng partner ni Hajji.

Samantala, bukas ang aming kolum para sa panig o anumang pahayag ni Hajji o ng pamilya nito.

HAJJI ALEJANDRO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with