^

Pang Movies

Khalil Ramos, nanalo bilang Best Actor

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Khalil Ramos, nanalo bilang Best Actor
Khalil

Nakamit ng Sparkle artist na si Khalil Ramos ang isang malaking tagumpay sa Puregold CinePanalo Film Festival 2025 matapos siyang tanghalin bilang Best Actor noong March 19.

Pinuri ang kanyang karakter bilang Olsen sa pelikulang Olsen’s Day, isang drama film sa direksyon ni JP Habac.

Masaya at makulay ang gabi para kay Khalil, nang mag-tie sila ni JP Larroder, na gumanap bilang Tata sa Tigkiliwi para sa Best Actor category. Sa kanyang speech, nagpasalamat si Khalil kay JP Habac, na nanalo naman bilang Best Director.

Hindi lang Best Actor ang nakuha ng Olsen’s Day, kundi nagwagi rin ito ng Best Cinematography at Mowelfund Special Citation. Kasama ni Khalil sa pelikula ang mga mahuhusay na aktor na sina Romnick Sarmenta at Bodjie Pascua, na parehong nominado para sa Best Supporting Actor, at sina Sherry Lara at Che Ramos, na nominado naman sa Best Supporting Actress.

Ang Olsen’s Day ay patuloy na ipapalabas sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao hanggang March 25 para sa CinePanalo 2025.

KHALIL RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->