Gladys at Christopher, ngayon lang ulit nakabalik sa HK

Ang bongga naman nina Gladys Reyes at mister na si Christopher Roxas na kasalukuyan palang nasa Hong Kong.
Siguradong nag-e-enjoy sila sa pamamasyal sa HK base sa mga litrato nila kasama rin ang mga kaibigan nila.
At kasama rin pala sa grupo nila si Archie Alemania.
Ano na nga pala ang nangyari sa kasong isinampa ni Rita Daniela sa kanya?
‘Kaloka.
Limang taon na pala ang nakalipas mula nang bumalik ang mag-asawa sa HK at mukhang nag-enjoy sila na hindi muna kasama ang mga anak nila ha.
Sa post nga ni Gladys ay wala pa rin siyang kupas sa galing sumayaw.
At game na game rin ang mister niyang si Christopher na napasayaw niya rin.
Isa nga sa lagi kong sinasabi ay bilib ako sa mag-asawang Gladys at Christopher na tahimik lang ang pagsasama.
Walang intriga ang private life ni Gladys na isa sa mahal na mahal kong alaga dahil hindi ko rin makakalimutan ang kabaitan ng nanay niya.
Enjoy lang kayo sa bakasyon niyo. Bongga talaga.
- Latest