^

Pang Movies

Kim, kinampihan ng kanyang ‘endorsement!’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Kim, kinampihan ng kanyang �endorsement!�
Kim Chiu

Masayang-masaya si Kim Chiu sa natanggap na flo­wers and letters mula sa kanyang ineendorsong Julie’s Bakeshop na nagpapahayag ng suporta sa kanya.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram Story ngayong araw ang bulaklak gayundin ang nilalaman ng liham.

“Just read the letter from my @juliesbakeshop family they gave me flowers and a letter which I just read today,” caption ni Kimmy.

“Thank you fam. What a great way to start the week.
“Good morning mga Ka-Freshness!!!!” aniya pa.

Mababasa sa hand-written letter na hindi nila kinukunsiti ang nangyaring insidente sa Mindanao at gumawa na raw sila ng kaukulang hakbang hinggil dito.

Narito ang kabuuaan ng liham:

Dear Kim, congratulations in advance on the success of your movie!
“Please know that we are here for you and fully support you. We do not condone the recent incident in Mindanao, and rest assured that we have already steps to address the matter.

“Once again, thank you for being our ka-freshness!

“Love, Julie’s family.”

Maaalalang naging trending and viral ang larawan ng Julie’s Bakeshop sa Indangan, Davao City kung saan ay tinakpan sa tarpaulin ang mukha ni Kim.

Ito ay matapos ang ‘dasurv’ dialogue ng aktres sa It’s Showtime na ipinalagay ng netizens partikular na ang supporters ni dating pangulong Rodrigo Duterte na patungkol ito sa pagkakaaresto ni Digong.

Dahil dito ay katakut-takot na bashings ang natanggap ni Kim mula sa DDS at kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya.

Hinihinala ng fans niya na supporter ni Duterte ang nagtakip ng mukha ng aktres sa taurpalin ng Julie’s Bakeshop kaya niresbakan din nila ito.

Marami namang fans ni Kim ang natuwa sa ginawang aksyon ng Julie’s Bakeshop sa Davao branch pero ayon naman sa iba, dapat pa ring mag-issue ng official statement ang naturang bakery.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with