^

Pang Movies

Mikee, lumusog sa kanyang show

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Mikee, lumusog sa kanyang show
Mikee Quintos

Hindi nakakapagtaka kung mag-gain ng timbang si Mikee Quintos dahil sa celebrity cooking show niya na Lutong Bahay.

Kitang-kita kung paano kainin ni Mikee ang luto ng kanyang mga guest. Sa kanya mo pa nga maririnig na mas masarap kung may kanin ang nalutong ulam sa show.

Kaya napansin din ng mga manonood ang paglaki ng katawan ng host ng programa.

Ngayon ay pilit na siyang nagbabawas ng timbang dahil sa bago niyang teleserye, ang murder-mystery series na Slay ng GMA at Viu Original Series.

Tinutulungan siya ng kanyang boyfriend na si Paul Salas para mag-focus at bumalik siya sa dating timbang niya.

“Minsan ‘yung tingin lang natin sa sarili natin naghi-hinder sa atin para maabot ‘yung mga dapat para sa atin. Tapos when that shifted in my head mas naging direct ‘yung focus ko, naging motivated ako, mas naging masaya rin ako,” sey ng Sparkle actress.

Dustin Yu, biglang pinag-interesan

Marami ang biglang nagkainteres sa Sparkle hunk na si Dustin Yu na isa sa housemates sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Bukod sa physical assets niya, pinuri siya sa social media dahil sa paggalang nito sa tinatawag na “bro code.”

Tumanggi kasi siya na mag-chemistry test sila ng housemate na si AZ Martinez. Kaibigan kasi niya ang boyfriend ni AZ, ang Sparkada member na si Larkin Castor.

Nag-open up si Dustin na hindi siya kumportable na i-pair siya kay AZ dahil ginagalang niya ang bro code nila ni Larkin.

Unang lumabas si Dustin sa GMA-Regal series na Mano Po Legacy: The Family Fortune noong 2022. Gumanap siyang bunsong kapatid nina David Licauco, Nikki Co at Rob Gomez. Huli siyang napanood sa Black Rider, Pulang Araw at Binibi­ning Marikit.

Nakasama rin si Dustin sa #BoysOfSummer campaign ng Sparkle GMA Artist Center noong April 2024.

Tom at Cuban actress, dating na

Dine-date raw ngayon ni Tom Cruise ang Cuban-Spa­nish actress na si Ana de Armas. Nakita silang magkasama sa London kamakailan.

Co-stars ang dalawa sa pelikulang Deeper na currently in production. Nagkasama na sila dati sa mga pelikulang American Made (2017) at Edge of Tomorrow (2014).

Ayon sa Extra, “just friends,” and “no romantic connections” as of now sina Tom at Ana.

Bukod kay Cruise, na-link noon ang 36-year-old Oscar nominee kay Ben Affleck noong ginawa nila ang pelikulang Deep Water in 2022.

 

MIKEE QUINTOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with