Derek/Ellen, Zanjoe/Ria at Rambo/Maja, tinatago pa rin ang mukha ng anak
Alam mo, Salve A., tatlong celebrity couples ang ayaw ibahagi sa publiko ang mukha ng kanilang respective babies at ito’y sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, Zanjoe Marudo at Ria Atayde at ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.
Magmula nang isilang ang kanilang magkakahiwalay na babies ay never pa nila ipinakita ang mukha ng mga bata.
In fairness sa respective families at malalapit na mga kaibigan ng tatlong couple na nabanggit, wala ni isa man sa kanila ang nagsi-share ng photos ng mga bata bilang respeto sa kahilingan ng mga celebrity couple na nabanggit.
Dingdong, naka-chika ang avatar produ!
Balik si Ruru Madrid sa taping ng kanyang tumatakbong serye sa GMA, ang Lolong: Bayani ng Bayan, matapos niyang ma-experience ang Manila International Film Festival sa Hollywood, California, USA kung saan nila ni Sofia Pablo ni-represent ang MMFF award-winning movie na Green Bones na pinagsamahan nila ni Dennis Trillo.
Ayon kay Ruru, it was such an experience to represent the movie sa MIFF na dinaluhan ng global Pinoy at mga kababayan natin na sa Amerika na naka-base.
Bukod kina Ruru at Sofia, dumalo rin sa nasabing event sina Atty. Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo maging ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na siyang nag-abot ng Lifetime Achievement Award sa kanyang dating professor, kasamahan at isa sa mga pillar ng industriya na si Boots Anson Roa-Rodrigo.
Dingdong had the chance to meet the producer ng Avatar na impressed umano sa Filipino actor, host at film producer. May pinag-usapan umano ang dalawa at hindi kami magtataka kung magkakaroon ng international film ang mister ni Marian Rivera.
Kiray, tinangging engaged na!
Personal na pinabulaanan ng 29-year-old actress-comedienne, vlogger at entrepreneur na si Kiray Celis na engaged na sila ng kanyang long-time boyfriend na si Stephan Estopia. Although ilang beses na umanong nagpapahaging ang kanyang nobyo na ready na itong lumagay sa tahimik, si Kiray naman ang hindi pa ready dahil busy ito ngayon sa kanyang itinayong negosyo na may kinalaman sa mga food supplement katuwang ang kanyang boyfriend.
Unti-unti na umanong natutupad ni Kiray ang kanyang mga pangarap at kaagapay niya ang kanyang boyfriend sa kanyang ginagawa.
Natupad na rin niya ang magpatayo ng sarili niyang bahay sa Tagaytay at ngayon naman ay nasusuportahan na ang kanyang pamilya sa tulong ng kanyang negosyo na dahilan kaya hindi siya tumatanggap ng TV series for now.
Siya ay isa sa mga produkto ng nawalang kiddie gag show na Goin’ Bulilit na siya ring pinagmulan ng maraming big stars ngayon tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Belle Mariano, Alexa Ilacad at iba pa.
- Latest