^

Pang Movies

Lea, TikToker na rin!

Pang-masa
Lea, TikToker na rin!
Anthony, Lea at Jonathan

MANILA, Philippines — Inanunsyo na ni Lea Salonga sa kanyang mga social media account na meron na rin siyang TikTok account.

Hindi nga raw magamit ng Tony Award-winning singer-actress ang kanyang normal username dahil meron na raw nakakuha noon.

“Yes, gang! This is me on the TikTok! I couldn’t use my normal @msleasalonga profile name as it’s unavailable. I wonder who owns it. Hmmmmmmm…….,” caption niya sa kanyang post kasama ng screenshot ng kanyang official TikTok account.

Makikita nga roon na merong 222 sa dulo ng kanyang username na umani na agad ng 2,455 followers habang sinusulat namin ito.

Mukhang ito na nga raw ang magiging simula ng kanyang TikToker era.

Mabuti na lamang daw ay nag-anunsyo ang veteran theater actress dahil inakala ng ibang followers niya na nagpapanggap lamang ang may-ari ng account o ‘di kaya’y isa lamang fan page.

 Samantala, nakipag-collab siya kamakailan sa TikTok stars na sina Jonathan Tilkin and Anthony Gargiula kung saan nagkaroon sila ng trio cover sa kusina.

Kinanta nila ang Reflection mula sa Disney film na Mulan at pati na rin ang A Whole New World na mula naman sa Aladdin.

Hindi inasahan ng mga tagahanga niya ang pakikipag-collab niya sa mga ito kung saan puring-puri siya dahil wala ring kupas ang boses niya.

Pati nga sina Jonathan at Anthony ay hindi raw maka-get over sa ginawa nila kasama ni Lea.

LEA SALONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->