Pupa, may kwento tungkol sa pag-abot ng pangarap

MANILA, Philippines — Pag-aalinlangan sa kanyang mga pangarap ang ikinuwento ng musician-painter na si Pupa Dadivas sa kanyang bagong awitin na DPTA.
“It’s a curse word in Ilonggo/Hiligaynon. It naturally slips out of my mouth when I feel frustrated,” kwento ng bagong Tarsier Records artist.
Ayon kay Püpa, pinaghalo niya ang Filipino, Ingles at Ilonggo na mga salita upang ipahiwatig sa kanta ang frustration niya sa pagsasakripisyo upang maabot ang pangarap.
“ I wrote it when I was torn between chasing my dreams and my longing for home. My frustration is a constant push and pull. Some days, it overshadows my whole being and mapapa-’DPTA’ ka na lang talaga,” saad niya
Isinulat ni Pupa ang kanta at iprinodyus ni Ken Ponce.
Lumaki sa Roxas City ang 25-year-old singer-songwriter na nakilala sa kanyang traditional pop at Asian pop na tunog. Ilan sa mga awitin na inilabas niya ay ang Dead Flower, Dumbfounded, Make Me at heels.
“I see creativity as a way to express emotions I can’t say out loud. My work is just a fusion of my experiences, whether through painting, acting, or music. I try to create pieces that resonate with my current feeling. I believe that sadness, frustrations, and the like can turn into art,” aniya pa.
Bukod sa musika, isa rin siyang aktres at naging bida sa Ilonggo film na Candè kasama si JC Santos.
Sumali rin siya sa Miss Universe Philippines noong 2022 at isang reality singing competition sa telebisyon noong 2023.
Available ang DPTA ni Pupa sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
- Latest