Vilma at Luis, kalmado sa intrigang political dynasty

MANILA, Philippines — May buwelta si Star for all Seasons Vilma Santos sa isyung political dynasty sa kanilang pamilya.
Kumakandidato ulit si Ate Vi sa pagka-gobernador sa Batangas at tumatakbo naman sa pagka-vice governor si Luis Manzano at for Congressman District 6 ng Batangas ang anak nila ni Finance Secretary Ralph Recto na si Ryan Christian.
Kaya nang mag-file sila ng certificate of candidacy, hindi sila pinalampas at inisyuhan ng political dynasty.
Kaya natanong silang mag-iina kung anong sagot nila rito sa ginanap na press conference sa nagtapos na Barako Fest sa Lipa, Batangas last Thursday. Si Ate Vi ang unang sumagot : “We just don’t want to entertain that. We are here to serve and people will judge us. That’s all,” kalmang pahayag ng award-winning actress.
Maging si Luis ay sumagot : “ May electoral process. Basta ang hatid namin ay ‘yong paglilingkod na gusto namin ibigay sa bawat Batangueño. Kung saan mapunta ang pangarap namin sa paglilingkod, kung saan gusto namin ilagay ang puso namin, nakasalalay sa botante ‘yon,” katwiran ng mister ni Jessy Mendiola.
Pagdating kay Ryan Christian na magaling na sa Tagalog ay : “We said it perfectly, naman. Yeah, we’re simply throwing our hat[s] at them. We’re here to be at service for the people. And ultimately, the choice will always be theirs.”
Pero aminado si ate Vi na given na ang kritisismo sa pulitika.
“Damned if you, damned if you don’t. You do good, may sasabihin. You do bad, may sasabihin sa iyo.
“But you know, para pagkatiwalaan ka ng tao, at maniwala sa iyo, palagay ko ‘yun ang priceless, yun ang fulfillment, at ‘yun ang legacy mo nang walang kamera.
“So, I guess sa eksperyensa ko for 24 years, ‘yun ‘yung medyo hardship,” paliwanag pa ni ate Vi.
Pero marami rin naman aniyang magagandang bagay sa pagiging public servant.
“‘Yung fulfillment naman serving our people who are in need, na pag nagpasalamat sa iyo halos mamatay na, hindi mo naman pera ‘yung ginastos…
“‘Yung bagay na ‘yun, sa naramdaman ko, priceless ‘yun. Hindi mababayaran ‘yun ng pera. At ‘yun ang ipinaliwanag ko sa mga anak ko.
“Kasi galing kaming showbiz. Once you see the reality of life, it’s different. You will value your life, and you will know how blessed you are ‘pag nakita mo na ang totoong buhay ng mga tao.
“At kung ‘yang dalawang anak ko ay mararanasan ‘yan, palagay ko ‘yung fulfillment ng buhay nila, mae-enhance pa at mabibigyang-importansya nila ang buhay nila, and at the same time ang buhay ng ibang tao,” mahaba-haba pang katwiran ng actress.
At nang tanungin si Luis kung ako para sa kanya ang public service
“Siguro the hardest part is… sa public service kasi, napag-usapan naman namin, alam naman natin na hindi siya madali in general.
“Na marami kang makakahalubilo, marami kaming makakausap. Pero ang pinakamahirap siguro is finding the balance para sa lahat ng gusto.
“Kasi certain sectors, for example. May mga sector na may hinihingi, tapos hindi mo pa nabibigay, may kabilang sector na, na humihingi ng kanilang tulong, ng kanilang assistance, ng kanilang proyekto.
“Para sa akin, ang pinakamahirap is marami kang gustong gawin sa Batangueño o para sa Batangueño. To be perfectly honest, siyempre limitado ka rin sa budget mo. Limitado ka rin sa puwede mong magawa,” paliwanag naman ng TV host na pahinga sa muna sa kanyang TV career.
Maine, umeksena sa White Lotus
Parang nagka-chikahan sina Maine Mendoza and Thai superstar Bright Vachirawit sa Bangkok.
Nag-post nga si Maine na together sila ni Bright in one frame!
Nagkasama ang dalawa para sa world premiere ng inaabangang Emmy Award winning series na The White Lotus season 3.
Kabilang cast ngayon ng White Lotus si Lala Lisa ng Blackpink na isang Thai.
Nag-post si Maine ng “Soooo thrilled to be at the green carpet premiere of The White Lotus Season 3 in Bangkok! As a fan of the show, being part of this event feels truly special. Can’t wait to see what this season has in store! February 17 is the day!
“Catch #TheWhiteLotus Season 3 streaming on Monday on Max with Cignal. Visit www.cignal.tv for more details.”
Jericho, nakaranas ng matinding dehydration
Forever na ang ‘prediction’ ng followers nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales sa kanilang relasyon.
Ito ay dahil sa Valentine post ni Jericho sa kanyang social media platform.
Nasa pool sila ng aktres at kita sa mga ngiti ang pagka-in love nila sa isa’t isa.
Wala namang ibinigay na location si Jericho kung saan ‘yun dahil sa kanyang mga Instagram story ay nagka-dextrose siya dahil sa trangkaso at diarrhea.
Ang unang post ng actor ay “4 p.m. yesterday. Eroplano, trangkaso plus diarrhea.”
Hanggang nagpa-swero na raw siya “headache from dehydration was intense.”
At ginawa nang hospital room ang kanyang hotel room.
Umalis daw siyang may sakit na sa Manila para sa kanyang Naga-Albay shows. “So to summarize, I left Manila ill (emoji ng fever at diarrhea) to do Albay - Naga shows.”
After 24 hours naman ay nag-ok siya base sa kanyang post at nakapag-show din. “I made it! Thanks to my team and the doctors / nurses who helped me make it to the stage.”
Nakapag-show pa siya at may interaction pa sa fans habang nasa stage. “What a trip. Cray. Another taste of ‘the show must go on’. I get my 8 hours of sleep now.”
From Albay ay dumiretso na sila ng Naga para ituloy ang trabaho.
Hindi niya kasama si Janine sa nasabing biyahe.
Hula ng ibang fans, malaki ang talent fee ng actor kaya kahit may sakit, hindi ipinahinga ang katawan.
- Latest