Alex Calleja nagbanta ng demanda, pinagtanggol ang sarili sa nakaw na joke

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng stand-up comedian na si Alex Calleja ang kanyang sarili laban sa mga bintang na kinopya niya ang kanyang “carwash” joke.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Alex ng mga screenshot ng kontrobersyal na joke at sinabi niyang ginawa niya ‘yun nung 2011.
Isang writer kasi ng Bubble Gang ang nag-post na kopya raw ang joke ng isang unnamed stand-up comedian. Pero natukoy na si Alex ‘yun.
“Post ko lang dito ang carwash joke ko since 2011 na nagawa ko ng writer ako sa Usapang Lalake at Goin’ Bulilit. Sa Goin’ Bulilit kasi, may topic ang bawat gags at carwash ang topic namin. Hindi ata ito nasama sa final draft kaya ginamit ko sa standup at pinost sa social media ng 2011. Check niyo po ang screenshots. Sorry po wala pa ako masyado followers niyan
“Lagi ko ito jinojoke kaya naging paborito ng isang writer din na si Raymond Dimayuga. Nagpapasalamat ako sa pag acknowledge niya sa akin ng 2015 at 2016. Search niyo po sa FB, alex calleja at carwash. Gawin niyo din yun PEP PH.
“Sa mundo po ng comedy writing, kapag may kaparehas o parallel joke ka sa isang comedian, may disenteng paraan po para magsabi ng parehas kayo. Ang tawag po dun ay pribadong usapan tulad ng cellphone at chat. Lahat po ay pwedeng pag-usapan ng pribado at hindi dinadaan sa social media. Hindi ko po alam ang intensyon para sabihan ako na “nagnakaw ng jokes” pero ang nasa isip ko na lang ay ang kasabihang “ang punong hitik sa bunga ay binabato” O, hindi po ako ang original niyan.
“Anyway, ingat po tayo sa salitang nakaw, may cyber libel po tayo at hindi yun joke. Remember, I have a friend...” na may kalakip na mga screenshot ng joke tungkol dito.
Number 1 ngayon sa Netflix ang stand-up comedy show ni Alex na Tamang Panahon.
- Latest