Aktres, laging pinapasok ng aktor sa tent!
Patuloy pa rin ang romansahan ng kontrobersyal na showbiz couple matapos ang pagbato ng issues sa kanya. Parang nakabangon na sila sa issues na kinasangkutan nila!
Magkasama ngayon sa isang series ang dalawa pero magkahiwalay ang tent.
May nakakakita raw sa aktor na pumapasok sa tent ni aktres. Pero dinedenay raw ito ng aktres, huh!
Pero ilang beses nang may iba pang nakakita sa kanila. Hindi na nga lang idinetalye kung ano ang ginagawa ng aktor sa tent ni aktres.
Sanay na naman sa denial ang aktres pero in the end, lumabas din ang tunay na kulay ng kanilang relasyon, huh!
Iza, ‘di inasahan ang collab sa caretakers!
Natutuwa si Iza Calzado dahil sa tagal niya bilang artista, naabutan pa niya ang collaboration ng Regal Entertainment sa Rein Entertainment.
Isa si Iza sa bida ng pelikulang The Caretakers na collab ng Regal at Rein Entertainment ni director Lino Cayetano.
Alam ni Iza ang track record ng film outfit at isa naman siyang Regal favorite pagdating sa horror films.
Kaya naman sa bagong horror flick kasama si Dimples Romana na isa ring suki sa Regal, eh alam niyang mas lalawak ang audience ng local horror films dahil sa bagong producers na nakikipag-partner sa Regal!
- Latest