Catriona at Ellen, tindera na rin sa shopping app!

Naki-join na rin sa ‘online selling’ sina Catriona Gray and Ellen Adarna.
Last payday Friday ay nasa isang online shopping app sila upang magbenta.
Ganundin si Carla Abellana. Na nagtinda ng kanyang produktong kandila. Pero hindi raw niya kaya: “Me while watching people (including celebrities) live selling on TikTok: i’m so sorry pero hindi ko talaga kaya gawin ito.”
Pero ang dami namang message of encouragement kay Carla ng kanyang followers sa Thread.
Sa totoo lang, mas malaki na raw talaga ang kita ngayon ng ibang hindi aktibong mga artista dahil sa live selling sa iba’t ibang social media platform.
‘Yun ay dahil mismong mga produkto na nila ang binebenta nila.
- Latest