Bela, sawsawera agad sa pag-like kay Xian?

Tinawag na sawsawera ang aktres na si Bela Padilla dahil sa pag-like niya sa isang post kung saan inokray ang pagiging piloto ng aktor na si Xian Lim.
Ni-like ni Bela ang post ng isang page kung saan nagkomento ang isang netizen na sinabing huwag daw sasakay kay Xian dahil baka raw iwanan ang mga ito sa ere. May caption ang post ng lyrics ng ERE na kanta ni JK Labajo.
Kung anu-anong tinawag ng mga basher sa aktres gaya na lamang ng bida-bida raw ito at mag-i-stalk na naman daw ito sa kung ano ang pwedeng ipintas sa ex ng kaibigang si Kim Chiu.
Fino-follow nga raw ni Bela si Xian at low-key raw nitong bina-bash ang ex ng BFF niya.
Maaalalang matapos ang ilang buwan nang mag-break sina Kim at Xian ay nag-flex naman ang aktor ng relasyon niya sa bagong girlfriend.
Kumalat ang intrigang may third party sa relasyon ng KimXi at inakusahan ang aktor na ‘cheater’ kung saan matagal na raw itong may kinakasama.
Agad naman siyang nagsalita roon at itinanggi ang mga paratang sa kanya.
Samantala, depensa ng mga tagahanga ni Bela ay loyal nga raw ito sa BFF niya at keeper nga raw ito.
Nagkaroon tuloy ng mga ispekulasyon ang mga netizen na baka raw ang aktor ang nang-iwan kay Kim at baka nga raw may alam si Bela tungkol sa totoong nangyari sa dalawa na tumagal ang relasyon ng 12 taon.
‘Kaloka. Pati ang nila-like ni Bela ay pinakialaman ng mga marites.
- Latest