Bianca, na-bully rin!

Nakaranas ang Kapuso actress na si Bianca Umali na ma-bully noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
May mga kwento raw ang lola Vicky niya na kung tawagin niya ay Mama pero never daw pumatol ang kanyang lola.
Lagi nga raw sinasabi sa kanya nito na darating din ang oras niya dahil sila raw talaga ang pinakabago noon.
Binalikan pa ng lola niya noong bago pa siya sa showbiz na tuwing may taping pa ang dalawa, ang iba raw artista ay may kama pero sila ay nasa sahig lang.
Pero sandali lang daw iyon dahil sumikat na rin daw ang apo niya.
Kaya hindi talaga makakalimutan ng girlfriend ni Ruru Madrid ang laging sinasabi ng lola niya na “darating din ang oras mo.”
Maaaring iyon daw ‘yung mga oras na nakikita siya ng lola niya na nakatingin sa kapwa niyang celebrities pero hindi lang daw siya nagsasalita.
Sa kabila raw ng murang edad ay mature na mag-isip ang aktres.
Binahagi pa nga nilang mag-lola na sumasakay sila ng train noong nagsisimula pa si Bianca. Pero dahil nga sa katandaan at kondisyon ng lola niya ay bumili na siya ng sasakyan at pumapasok na lang siya sa trabaho na mag-isa sa edad na 14 taong gulang.
Hindi nga raw siya naawa sa sarili pero naisip lang niya na what if hindi raw kaya siya ulila gaya ng mga nakikita niya sa mga kasamahan niya na may mga stage mom at dad.
Ngayon nga ay afford na niya ang anumang gustong bilhin ni Bianca. Bongga.
- Latest