^

Pang Movies

Jel Rey, may ‘parapelikula’ na pag-ibig

Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Kwento ng pag-ibig na mala-pelikula ang ibinahagi ng StarPop artist na si Jel Rey sa kanyang bagong awitin na Parapelikula.

“Ito ‘yung pakiramdam na parang tumigil ‘yung mundo kapag nakilala mo ‘yung taong mahal mo. Everything fell into place at tila nasa isang pelikula kayo at kayo ang mga bida,” saad ni John Lloyd Reyes o mas kilala bilang Jel Rey.

Isinulat at iprinodyus niya ang kanta kasama ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Sinundan ng Parapelikula ang iba pa niyang relatable love songs tulad ng Bumabalik Pa Rin, Tayo (ating istorya), Nasa Alapaap ang Paraluman, at hele pono.

Inilabas ni JEL REY ang kanyang debut EP na TERAPEWTIKA noong 2023 na umani ng mahigit 150,000 streams sa Spotify. Sa parehong taon, naging nominado siya sa 37th Awit Awards sa kategoryang Best Performance by a New Solo Artist.

Sa kanyang adventurous na pagsusulat ng musika, hangad ni JEL REY na ma-explore ang iba’t ibang genre tulad ng rock, hip hop, pop, at soul. Nag-viral din siya sa TikTok kung saan hinaharana niya ang iba’t ibang tao at ibinabahagi ang kanyang musika at songwriting process. Ilan sa musical influences niya ay sina Ed Sheeran, Rex Orange County, IV Of Spades, at Eraserheads.

Napapakinggan na ang bagong awitin ni JEL REY na Parapelikula sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

POP SONGWRITING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with