^

Pang Movies

Matapos ang diumano’y panloloko Jamela, may wish kina Anthony at Maris

Salve V. Asis - Pang-masa
Matapos ang diumano’y panloloko Jamela, may wish kina Anthony at Maris
Jamela

MANILA, Philippines — Ahh wala raw sa isip ni Jamela Villanueva ang mag-full time sa showbiz pagkatapos ilunsad ang kanyang billboard para sa Ampong Dental essentials.

Si Jamela ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na naglabas ng screenshots ng diumano’y panloloko ng aktor at ni Maris Racal.

Sa kanyang Instagram Stories last December, ibinahagi ni Jamela ang mga screenshot ng mga pag-uusap nina Anthony at Maris.

Karelasyon niya ng seven years si Anthony.

Ano ang nilo-look forward niya or plan ngayong 2025 at plano ba talaga niyang pasukin na rin ang showbiz? “Definitely not in my mind po talaga ang showbiz, but more of I wanted to be the voice of those people na who have the same situation sa akin,” sabi niya sa ginanap na media launching bilang ambassador nito.

Pero ano ang reaction mo o ano ang pakiramdam mo na may billboard ka na?  “Ayun nga po, una is very grateful kasi as I’ve said kanina, wala pa naman talaga akong name in the industry. Nakaka-shock din na first endorsement tapos pak billboard agad tapos may ganito,” sagot nito sa ilang entertainment media.

At handa ring patawarin ni Jamela ang ex maging si Maris.  “Opo naman. Sabi nga nila, Diyos nga nagpapatawad.”

At nang hingan siya ng mensahe para sa dalawa : “I wish them well. ‘Yun naman po talaga. Very nakakatanggal po ng tinik sa puso kapag nakarinig ka ng ‘sorry’ at grabe rin po ang matatanggal na tinik sa puso mo kapag nagpatawad ka kasi parang na-release mo na lahat ng mabibigat sa puso mo.”

Hindi aniya madaling process ang pagpapatawad pero mo­ving on na raw siya. “Nasa process pa rin po. Kasi ang forgiveness po ay hindi naman madaling process pero I’m getting there.”

Paliwanag niya ay ang dami rin kasing nangyari kaya ginawa rin niya ‘yun. “I’m just a normal person. I don’t have anyone to defend me. Ang hirap kasi na you are judged by the people kahit alam mo naman ‘yung totoo,” katuwiran niya sa ginawa sa magka-loveteam.

 Bahagi ng kanyang pagmo-move on ang mag-focus na lang sa kanyang sarili. “Wala na po akong koneksyon sa mga tao na nasa loob ng issue. Ang plan ko po is to just focus sa sarili ko and i-build ‘yung career.”

Pero sa kabila ng mga nangyari, marami siyang natutunan at kabilang na rito ang : “My self-worth is non-negotiable. Never lose yourself in the process kung anong nangyayari sa buhay mo. Kailangang kilala mo ang sarili mo. Alam mo ‘yung values and principles ng sarili mo.”

Anyway, inilunsad ng Ampong Dental Clinic ang kanilang mga produkto tulad ng Advanced Pro­white Whitening System, Whitening Touch-up Pen, Advanced Whitening Pro Strips, Whitening Toothpaste at Ultra Flex Toothbrush.

Samantala, habang nagti-trending si Jamela, trending din si Maris dahil sa lalabas nilang series sa Netflix ni Anthony na may pamagat na Sosyal Climbers kung saan may eksena sila sa trailer na wild ang laplapan.

Atong at Gretchen, may away nang maghiwalay?

Hindi na pala friends ang bilyonaryong si Atong Ang at si Gretchen Barretto.

In fact, ayon sa narinig kong usapan, hindi na raw nag-uusap ang dating ‘close friends.’

Pero hindi raw ito dahil kay Sunshine Cruz na karelasyon ngayon ng negosyante. Ibang isyu diumano.

Matatandaang naging business partners sina Mr. Ang at La Greta na minsan ay napapagkamalan pang may relasyon dahil sa kanilang closeness. Matagal-tagal na raw hindi nag-uusap ang dalawa.

Anyway, pinatutunayan naman ng dating actress na numero lang ang edad. Kamakailan ay pina-wow ni Gretchen ang netizens sa kanyang snaps at reels na kumalat sa social media.

Jessica, sasalang sa debate ng mga senatoriable

Ngayong Pebrero 1, sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama sa isang entablado ang mga kandidato sa May 12 senatorial elections sa pamamagitan ng isang multi-platform ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News – ang Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025.

Sa pangunguna ni Jessica Soho, ang premyado at pinagkakatiwalaang mamamahayag ng bansa, ang Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025 ay isang mahalagang pagkakataon para makilala at mapakinggan ang mga kandidatong humihingi ng ating mga boto.

Naniniwala ang GMA Public Affairs at GMA Integrated News na importante ang mga debate dahil isa itong paraan para maintindihan ng taumbayan ang mga plataporma at makilatis ang kakayahan, maging ang karakter ng mga kandidato – para sa matalinong pagboto sa Eleksyon 2025.

Mahigit 30 na nangungunang senatoriables ang inimbitahan ng programa base sa Pulse Asia at SWS surveys na inilabas noong Disyembre 2024. May mga tumanggi, may mga walang tugon, at may ilang umatras. Sa huli, 12 kandidato ang kumasa sa hamon para harapin ang mga tanong ng bayan.

Bukod sa debate, haharap ang mga kandidato sa ilang mabibigat na tanong mula sa mga personalidad ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News sa pangunguna nina Vicky Morales, Kara David, Pia Arcangel, at Emil Sumangil. May pagkakataon din ang mga kandidato na kausapin mismo ang publiko tungkol sa mga naiisip nilang solusyon sa mga ilang mabibigat na suliranin.

Huwag palampasin Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025 ngayong Pebrero 1, 9 p.m. sa GMA at simulcast sa GMA Pinoy TV at DZBB. May livestream din ito sa lahat ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News YouTube channels at social media platforms.

JAMELA VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with