Jessica Soho, pinarangalan ng mga kadugong tsino
MANILA, Philippines — Ahh may dugong Tsino pala si Jessica Soho.
Kasama siya sa pinarangalan ng FFCCCII (Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.) bilang outstanding achiever awardee kasabay ang National Artist Ricky Lee, na ayon sa pagkakasunud-sunod ay apo at anak ng mga imigrante mula sa Guangdong at Fujian provinces.
Sila ay ginawaran para sa mga kontribusyon sa pag-unlad ng Pilipinas at para sa pagbibigay karangalan sa Filipino Chinese community.
Ang FFCCCII ay pinangunahan ng pangulo nitong si Dr. Cecilio K. Pedro.
Ang iba pang awardees ng FFCCCII ay ang 96-taong gulang na dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos (na kinilala para sa kanyang papel sa makasaysayang 1975 na pagbubukas ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas-China, na kinakatawan ng anak na si Senador Imee Marcos) at ang kilalang industrial designer na si Kenneth Cobonpue.
Ang pagbibigay ng parangal ay kasabay ng pagtanggap ng Bagong Taon ng Tsino at ang kick-off na pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Phil-China.
Anyway, na-trace ni Jessica ang roots niya sa Guangdong, China. “Nakilala ko ‘yung ibang relatives namin sa village mismo ng lolo ko, outside of Guangdong. Na-feature ko na ‘yun in 2007, it’s up in YouTube,” pakli ni Jessica na ang tinutukoy ay ang programa niyang KMJS.
Xian, mas tutok na sa pagiging private pilot
Private pilot na si Xian Lim kalakip ang mga litrato ng kanyang pagpapalipad ng private plane.
Ito ang pinagmalaki niya sa isang post kasabay ng pagbati ng Chinese New Year : “It’s official! PRIVATE PILOT Still in the clouds from everything that happened. Thank you to my @topfliteacademy family here in Subic for making this journey an extra special one! Thank you capt. @chiclet.pecson for all the patience! More flights, more aerodromes, and more and more cross country flights to come! As always, maraming salamat Capt. @sahl.onglatco for the trust and for always providing your students with inspiration To my check ride pilot, Capt. Villarin, what an unforgettable experience in the sky. Next up, CPL! HAPPY CHINESE NEW YEAR everyone!”
Sabagay, wala naman siyang pinagkakaabalahang pelikula o TV show sa kasalukuyan.
Iiwan na kaya ni Xian ang showbiz at magpi-piloto na lang?
Bukod sa acting, nagdidirek na rin si Xian. Pero hindi pa siya nakaka-jackpot kumbaga ng project para patunayan na mahusay rin siyang direktor.
- Latest