^

Pang Movies

Ogie, inaming lumalandi pa rin!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ogie, inaming lumalandi pa rin!
Ogie at Regine

Inamin ni Ogie Alcasid na kahit mag-asawa na sila ni Regine Velasquez ay nagfi-flirt pa rin sila sa isa’t isa. “Halimbawa, magkasama kami or magkayakap, sasabihin ko, ‘o, kunwari ano, nag-camping tayo, tapos, kunwari ano, hindi tayo close masyado, tapos kumulog, natakot ka,’” natatawang kwento ni Ogie sa presscon ng upcoming concert niya na OAC: Original and Absolute Classics kasama ang music icons ding sina Louie Ocampo and National Artist Maestro Ryan Cayabyab.

“Flirting is healthy,” deklara pa niya.

But of course, kaagad niyang nilinaw na okay makipaglandian sa iba kung wala pang asawa. Kapag married na, sa asawa mo lang dapat maki­paglandian.

Naikwento nga rin ng OPM singer/songwriter na ang pinagkaabalahan nila lately ni Regine ay ang paglalakad.

“Siguro, napapansin n’yo sa mga posts ko, naglalakad kami lagi. And I realized, dahil naglalakad kami ng halos isang oras at kalahati, ang dami naming napag-uusapan,” tsika niya.

Sey pa niya, “it never ends, the romancing bet­ween husband and wife.”

Samantala, si Ogie mismo ang may ideya na makasama niya ang great composers na sina Louie and Maestro Ryan sa isang concert.

“For me, it’s a wonderful opportunity for me, a great honor to be with this two gentlemen who have contributed so much to the Philippine music scene and the industry as well,” sey ni Ogie.

Parang hindi nga raw siya makapaniwala na makakasama niya sa isang concert ang dalawang music icons.

“If you could pinch me if this is true, you know. I mean to say that in all honesty that I am really thrilled to be with them,” aniya.

Individually ay nakakasama raw niya sina Louie and Mr. C sa isang concert pero ngayon pa lang daw sila magsasama-samang tatlo.

Nilinaw naman ng dalawang magagaling na composers na siyempre, Ogie will do all the singing at ipe-perform nito ang kanilang original songs na ginawa.

“This is really an Ogie showcase, showcasing all the love songs that we have done. Please don’t expect us to be the singers that we are not,” natatawang sabi ni Maestro Ryan.

“And it’s really a serenade to the ladies. That’s why, we do not have any ladies with us, because we’re serenading all the ladies with our original songs,” dagdag pa niya.

Ang OAC: Original and Absolute Classics ay gaganapin sa Feb. 13, 2025, 8:30 p.m. sa Solaire Resort North Grand Ballroom.

Sa nasabing presscon ay inanunsyo na rin ni Ogie ang kanyang magiging guests at ito ay sina The Voice USA Season 26 grand champion na si Sofronio Vasquez at ang musical duo na sina JM dela Cerna and Marielle Montellano.

Karla, muntik bumigay sa breakup ng KathNiel

Bilang isang ina, aminado si Karla Estrada na labis siyang naapektuhan sa masasakit na salita na ibinato sa kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla kaugnay ng breakup nito with Kathryn Bernardo.

Sa guesting ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda nitong nakaraang Miyerkules, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita siya sa kontrobersiyang pinagdaanan ni DJ (Daniel).

Tinanong ng King of Talk si Karla kung ano ang pinamalaking kontrobersiya na pinagdaanan ni Daniel na muntik na siyang bumigay.

Sey ni Karla, “Siguro itong mga ibinatong masasakit na salita kay Daniel nitong mga nagdaang taon.”

Tanong ulit ni Kuya Boy, “itong paghihiwalay nila?”

“Yes,” tugon ni Karla. “I think ‘yung paghihiwalay kasi nila, sa kanila ni Kathryn ‘yon, eh. Sila naman ang nakakaalam talaga at sila naman ang magreresolba kung ano man ‘yung dahilan ng paghihiwalay at doon sa nangyaring hiwalayan.

“Pero ‘yung salita ng tao na halos hindi mo na makain at sobrang kabastusan kung anuman ang… medyo ‘yon ang hindi ko na kinakaya.”

Dumating na nga raw siya sa puntong gusto na niyang isa-isang hanapin ang bashers na ito at pagsasagutin.

“But of course kinakausap kita, kinakausap ko ‘yung iba nating kaibigan. Kaya ang pinakamaganda nating ginawa ay ipaubaya doon sa dalawa,” she said.

Samantala, natanong din si Karla tungkol sa kanyang non-showbiz ex-boyfriend na si Jam Ignacio at aniya ay hindi sila magkaibigan sa ngayon.

“Ang pagpapatawad ay hindi naman overnight. So, siguro, hindi naman siya lang ‘yung pwede kong patawarin. Kailangan ko ring patawarin ‘yung sarili ko and siguro sa part niya, kailangan din niya akong patawarin.

“At pagdating ng araw, magkapatawaran and then, maging magkaibigan,” paliwanag niya.

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with