^

Pang Movies

Aktor, nawasak ang buhay sa bisyo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Binigyan ng panibagong pagkakataon ang isang aktor na sumikat noon pero nalunod sa tinamasang kasikatan kaya nalulong sa masamang bisyo.

Eh dahil guwaping at mestizo, mabenta siya sa mga accla at matron. Pumapatol siya nung panahong lugmok na siya sa bisyo sa kaya siyang bayaran sa presyong gusto niya.

Dahil magaling, muling binigyan ng pagkakataon ang aktor na makabalik sa showbiz. ‘Yun nga lang, mas nilalamon siya ng bisyo kesa pagbabago.

Ngayon, bihira nang lumabas ang aktor. Pero may bisyo pa rin siya at kung gusto siyang tikman, wala na itong presyong ibinibigay. Kung magkano ang kaya, pinapatulan niya basta may pambisyo, huh!

Sayang ang aktor na lumipas na ang kaguwapuhan dahil sa kawalan ng direksyon sa buhay!

JK, special request ni Mr. C!

Handang makipag-collaborate sa mga baguhang singer ngayon ang veteran composer na si Louie Ocampo at National Artist na si Ryan Cayabyab pati ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Magkakasama ang tatlo sa pre-Valentine show sa Feb. 13 na OAC: Original and Absolute Classics sa grand ballroom ng Solaire North.

Gusto rin nilang magkaroon ng bagong tunog ang kanilang kanta. Sa dalawang composers naka-collab na ni Mr. C si Stell ng SB19 sa kantang ginawa matapos makita ang galing at pagiging humble. Isa pang gusto niyang makasama sa work ay si Juan Karlos Labajo.

Ayon sa tatlo, magse-serenade sila sa female guests nila sa concert kasama ang guest nilang si Sofronio Vasquez na kauna-unahang Pinoy na nag-champion sa The Voice USA.

JUAN KARLOS LABAJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with