^

Pang Movies

Cong. Goma at Mayor Lucy, parang bagong kasal ang tikiman

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Cong. Goma at Mayor Lucy, parang bagong kasal ang tikiman
Goma at Lucy

Panalo ang reels post ni Cong. Richard Gomez ng lips to lips nila ng asawang si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez. Nakasulat sa caption ang “When I don’t see her for several days.”

Marami ang nag-like sa reels post na ito ni Goma at ang mga puwedeng mag-comment, karamihan ay kinilig.

May nagbiro pa nga na nilalanggam sa sweetness ang mag-asawa at may nag-comment pa na baka masundan na ang anak nilang si Juliana.

Sayang at limited ang puwedeng mag-comment sa reels post kung naka-open ang comment box nito, for sure, mas marami pa ang magbibigay ng kanilang reaction. But then again, baka ayaw lang ni Goma na may negative comment na pumasok.

May isa pang reels post si Goma ng date nila ni Lucy na may kamay lang nila na holding hands ang makikita. Simple lang ang caption ng post na “Date Night,” na pinusuan ng mga kaibigang nagmamahal sa mag-asawa.

Kapuso host, sasali sa PBB

May makakasamang Kapuso host sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez sa PBB Collab Celebrity Edition. In-announce ito ni “Kuya.” Wala itong binanggit na pangalan at lalong walang clues at ang sabi lang nito, makikilala ang Kapuso host sa tamang panahon.

Kanya-kanya ng hula ang Kapamilya at Kapuso fans at apat sa mga hula nila ay talagang puwedeng mag-host. Kasama sa hula ng fans si Iya Villania na bukod sa bagay raw mag-host, may chemistry siya kina Robi at Bianca. Buntis ngayon si Iya, baka nakapanganak na ito bago umere ang PBB.

Ang tatlo pang hula ay sina Gabbi Garcia, Megan Young at Heart Evangelista, pareho silang magagaling, kaya lang preggy si Megan. Pero, baka nga nakapanganak na siya kapag umere ito.

Kayo, sino ang hula ninyo na Kapuso host na makakasamang mag-host nina Robi at Bianca sa inaabangang PBB Collab Edition.

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with