Marian, pikon sa utot ni Dingdong!
Nilantad ng aktor-TV host na si Dingdong Dantes ang mga pet peeve ng misis na si Marian Rivera o mga bagay na ayaw na ayaw nito.
Sa programang Fast Talk with Boy Abunda ay marami itong rebelasyon tungkol sa relasyon nila ng Kapuso Primetime Queen at isa na roon ay ang ayaw na ayaw raw nito na malakas ang alarm niya.
Minsan daw ay nauuna siyang magising sa misis at syempre ay naririnig din nito ang malakas na alarm clock niya kaya nagigising na rin ito.
Isa pang nilantad nito ay ang pagkairita nito sa pag-utot ng mister niya. Kaya inaasar daw ng Family Feud host ang misis at umuutot siya on demand na talagang palakas nang palakas.
At talagang galit na galit daw si Marian.
Habang siya naman daw ay ayaw na ayaw raw nila ang buhul-buhol na cords ng charger dahil naaaksaya raw ang oras niya sa pag-aayos nito.
Ang cute nga ng parents nina Zia at Sixto na parang bagong kasal parati dahil sa lambingan nila.
Isa raw sa sikreto raw ng pagsasama nila ay umiisip daw sila lagi ng creative ways para madagdagan ng ‘spice’ ang relasyon nila.
Kaya walang duda na napapanatili nilang in love na in love pa rin sila sa isa’t isa.
Kaya naman parang hindi rin talaga pinagsasawaan ng fans ang mag-asawa. Bongga.
- Latest