Uge, babalik sa entablado
Mapapanood na si Eugene Domingo online sa kanyang official YouTube channel.
Noong Jan. 24, ni-launch niya ang first episode ng kanyang vlog na The Eugene Domingo Channel.
Tampok sa first episode sa YouTube channel niya ay ang mga most searched question tungkol sa award-winning actress.
Sinagot din niya ang mga ibinigay na vlog suggestions ng kanyang fans. Inilahad din niya ang kanyang pagsisimula sa showbiz, sinagot ang ilang personal questions, mga pelikulang ginawa at marami pang iba.
Babalik din sa pag-arte sa entablado si Uge via the musical, Into The Woods ng Theatre Group Asia (TGA).
Gagampanan niya ang role ng mother ni Jack from Jack and the Beanstalk.
“I am so excited to be a part of this popular and critically acclaimed musical as Jack’s mother. I love that the material is inspired by fairy tales yet reveals a realistic twist we can all relate to,” sey ni Uge.
Ashley, nag-debut na
Nag-celebrate ng kanyang 18th birthday with a royal-themed debut party held at the Diamond Hotel Manila ang Sparkle star na si Ashley Sarmiento.
Suot niya ang blue sequined ball gown for the main program at nagpalit ito sa isang purple dress with black accents for the after-party.
Ni-launch last year ang loveteam nina Ashley at Marco Masa (AshCo) via Sparkle’s TikTok Kilig Series kasama sina Bryce Eusebio, Princess Aliyah, Allen Ansay, and Sofia Pablo. Naging hit ang AshCo loveteam sa teleserye na Black Rider at sa weekly series na MAKA. Nagsimula bilang child actress si Ashley sa mga teleserye ng ABS-CBN na Dyesebel, Flordeliza, Born For You, The Greatest Love at The General’s Daughter.
- Latest