^

Pang Movies

Third baby sana nawalan din ng heartbeat...Mikee naawa na kay Alex!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Third baby sana nawalan din ng heartbeat...Mikee naawa na kay Alex!
Alex Gonzaga at Mikee Morada

Chill ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga sa birthday blowout ng kaibigang si Gorgy Rula nung isang gabi na ginanap sa Finkels Restaurant sa Poblacion, Makati.

Pero may lungkot sa mata ni Alex.

Ito ay matapos ibunyag ni Mikee na for the third time ay nakunan ulit si Alex last December sa vlog ni Toni Gonzaga.

Ayon kay Mikee  : “Ok naman siya ngayon. Malakas naman din yung faith nila.

“Maganda yung upbringing ng parents kaya we’re able to manage yung hardship, yung struggle,” umpisa ni Mikee.

“At saka yung support ng pamilya, sobra-sobra.”

Parang rollercoaster aniya ang kanilang pinag­daraanan lalo na at pangatlo na ang nangyari.

Magiging busy pa siya sa kampanya dahil kumakandidato siyang Vice Mayor. Pero kailangan niyang maging prioridad ang misis.

“Parang rollercoaster, lalo na nung Pasko kasabay ng mga Christmas parties.

“Inaalala ko rin si Alex. Pero ngayong nalagpasan na namin, at finally closed book na yung aming pregnancy, makaka-focus na ulit sa mga trabaho.

“Marami ring na-sacrifice na mga trabaho si Alex.

“And lagi ko pong sinasabi, napakahirap — ako, lalaki, nakasuporta lang.

“Pero siya bilang babae — lahat ng mga injection na kinailangan niyang pagdaanan hanggang yung raspa, yung emotions, up and down — mas mabigat po yun sa babae,” aniya sa mga kausap na mga writer.

Nauna na ngang  nilantad ng mister ni Alex  sa vlog ni Toni na may pamagat na The Hardest Conversation I Had with Mikee, ang pinagdaanan nilang mag-asawa kamakailan lang.

“Kami ni Catherine (Alex), nu’ng nalaman namin na pregnant siya… kasi feeling namin nabuo ‘to nu’ng birthday ni Mommy Pinty sa Singapore. Hindi namin talaga akalain, wala kaming plano,” simula pulitiko.

“So, nu’ng nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check na kami kaagad sa OB and okay naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and then the second week, okay pa ‘yung ultrasound,” pagkukuwento niya pa.

“Hanggang du’n sa pangatlong linggo, sabi sa amin nu’ng doctor, ultrasound, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit.

“So, talagang bumagsak ulit ‘yung ano namin. Pero mas kaya compared du’n sa una. Kasi, naka-ilan na kami, eh. Kaya ang feeling namin, mara­ramdaman namin ‘yung saya ‘pag nakarinig na kami ng tibok ng puso o makita namin ‘yung embryo.

“Kasi, ‘di pa kami umaabot du’n sa punto na may baby na,” palalahad niya pa.

Hanggang dumating ang fourth ultrasound at narinig pa nila ang heartbeat ng anak.

“Naiyak ako nu’ng narinig ko ‘yung heartbeat. First time kong nakarinig ng heartbeat. “Nakakita kami ng… una ‘yung embryo, saka ‘yung heartbeat.”

Pero hindi nagtagal ay hindi na ulit naging maganda ang kalagayan ng bata sa loob ng sinapunan ng misis.

“Nalaman namin na mababa ‘yung heartbeat… na 65 lang. So that same day, pumunta kami sa ospital, trinay namin na habulin, baka ma-save pa ‘yung baby. Ginawa namin lahat.

“’Yung tinatawag na IVIG (intravenous immunoglobulin), inano namin. Trinay namin na i-save,” pagtatapat ni Mikee na ikinaiiyak na niya Toni.

Pagkatapos ng Pasko, nang magpa-check-up sila, wala nang tibok ang puso ng baby.

“Pagpasok na ganu’n, nakita na namin agad ‘yung embryo, ‘yung baby, pero wala na siyang heartbeat,” kwento ni Mikee na medyo kalmado pa rin.

“So, nagkatinginan kami, gumanu’n (tumango) na lang kami, we accepted it,” aniya. Hanggang na­ging emosyonal na si Mikee. “Naawa ako sa kanya nu’ng idi-D&C (dilation and curettage) or ‘yung raspa, nandu’n siya sa operating or delivery room, lalagyan pa lang siya ng anesthesia, paglingon niyang ganu’n, ‘yung katabi niya mommy, kalalabas lang ng baby.”

Nagtalukbong daw si Alex at umiyak na lang.

Nakunan si Alex noong 2021 at ang pangalawang miscarriage naman ay nangyari noong 2023.

Sa huli ay sinabi niya : ““Yung experiences namin nito ang nagpalakas sa amin. Hindi lang yung lumalim yung relationship bilang mag-asawa. At the end of the day, lagi kong sinasabi, kahit na anong mangyari, biyayaan man tayo o hindi, tayong dalawa magkasama, okay lang. Okay lang.

“Kaya ang sabi ko sa kanya ngayon, dapat yung pray natin, i-surrender kung ano man, kung meron man, kung wala, okay lang. We will accept. Tatanggapin natin kung ano man ang ipagkaloob sa atin,” pahayag pa niya sa sister in law.

“On the positive note, sinabi ko sa kanya, 4 years na tayong kasal, tatlong beses ka na nabubuntis. “Yung iba ang tagal, never nakakita ng  positive trend…alam natin na kaya. Ang kailangan lang natin, pag andiyan, aalagaan na natin,” sabi pa nito.

Kaya naman talagang pinupuri si Mikee na tanggap kung anuman ang mangyari, magkaanak man sila o hindi ng misis.

Pero mga bata pa naman sila, marami pang chance.

LT, hindi mabilang ang naging pelikula nila ni Gloria Romero

Grabe, seven years old lang pala si Lorna Tolentino nang una niyang nakatrabaho ang pumanaw na legendary actress Gloria Romero na dinirek ni Lino Brocka. Pero ‘di niya maalala ang title nito.

Habang ang pinaka-huling pelikula nila ay ang award winning movie na Magnifico na dinirek ni Maryo J. delos Reyes.

Ang dami raw nilang pinagsamahang pelikula pero hindi na maalala ng magaling na aktres kung ilan exactly ang bilang.

At very close aniya siya sa namayapang actress.  “Bata pa ako kasama ko na siya eh.  Hindi ko na matandaan pero meron pang ibang pelikula kaming ginawa. Kasi alam ko nine years old ako nakasama ko pa siya,” sabi pa ni Ms. LT nang makausap namin sa birthday blowout ng kaibigang si Gorgy Rula.

Kailan kayo hu­ling nagkita?

“It was like November. Pinuntahan ko siya.”

Nakakakilala pa siya nun? “Yes.”

Anong pinag-usapan ninyo?

“Wala lang. Kasi nanonood siya ng Batang Quiapo. Nanonood siya ng Ang Probinsyano noon. Ayun ‘yung mga pinapanood niya lagi nun,” sabi pa ni Ms. LT.

ALEX GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with