Jinkee, hindi na mabutasan ng bashers
Mas type ko ang attitude ni Jinkee Paquiao ngayon. Hindi siya naglalagay ng caption sa mga post niya. Mga emoticon lang kaya walang misinterpretation sa mga maeepal na namimik-up sa social media platforms.
Basta nagsi-share lang siya ng mga magaganda niyang pictures at minsan naman Bible verses kaya walang maka-nega.
Ganun dapat ang attitude ng maraming showbiz personalities na nakatambay sa social media. ‘Wag papansin sa haters na pag pinag-initan naman, biglang natatameme.
Naalala ko na parang ang daming haters ni Jinkee noon na lahat ng i-post niya may komento ang iba na kesyo ba’t kailangan niya pang ilagay sa social media ang kanyang mga Hermes or ang mga nasa loob ng bahay nila na mga milyun-milyon ang halaga.
Ngayon wa nang mga pumapansin kasi ‘di rin naman siya pumatol.
Pakialam nga naman nila kay Jinkee eh pera naman nila ‘yun. Pinaghirapan ‘yun ni Manny sa pagbo-boxing so wala silang pakialam kung mag-display si Jinkee ng kanilang kayamanan.
Belat nila. Ang ibang mga hater ba kayang bumili ng Hermes bag? Siyempre hindi. Hanggang putak lang sila, pero wa naman silang datung noh.
Saka si Jinkee kasi hindi naman siya influencer na pinagkakakitaan ang mga post sa social media. Hahahaha.
- Latest