^

Pang Movies

Gerald, nalito kina Sandro Muhlach at Sandro Marcos!

Gorgy Rula - Pang-masa
Gerald, nalito kina Sandro Muhlach at Sandro Marcos!
Sandro Muhlach at Gerald Santos

Maganda ang inilunsad na Courage Movement ni Gerald Santos kasama sina Enzo Almario at Sandro Muhlach.

Ginanap ito sa Courage concert ni Gerald na ginanap sa SM North EDSA Skydome noong nakaraang Biyernes.

Sa taranta pa ni Gerald, tinawag pa niyang ‘Sandro Marcos’ si Sandro Muhlach.

Sila ang naging matapang na ibunyag ang nangyari sa kanila, kahit kahihiyan pa ang inabot nito.

Kaya sabi nga ng karamihan, sana huwag ito maging ningas-cogon at maging matapang pa ang ibang nakaranas nang pang-aabuso ng mga taong mas nakakataas sa kanila.

Ayon sa manager ni Gerald na si Rommel Ramilo na siya ring nag-conceptualize, nag-script, at nagdirek ng Courage concert, kabilang sa nanood ang head ng non-profit organization na PAVE (Promoting Awareness | Victim Empowerment) Philippines. “Biktima rin ang head ng PAVE. May mga kasama siyang victims din na nanood. Lumapit sila kay Gerald bago pa nag-umpisa ang concert,” sabi nito.

Dagdag na pahayag ni Enzo, “Alisan o bawasan man lang natin ang stigma na kaakibat ng mga ganitong sitwasyon.

“Na ang pagsasalita at paglabas patungkol dito ay lilikha lamang ng isang

malaking eskandalo sa pamilya at madadamay lamang ang buong angkan ng biktima.

“Na sobrang kahihiyan lamang ang idudulot ng pagsisiwalat ng nangyari dahil ikaw ang inabuso ng ibang tao at wala kang ginawa.

“At iyong paghusga ng ibang tao na kaya nangyari iyon ay dahil ginusto mo at hindi ka lumaban.

“Na ikaw pa rin ang matinding sisisihin sa nangyari.”

Sabi naman ni Sandro, “Kayo ‘yung nagbigay ng lakas sa akin na magsalita!”

Mahaba-haba pa itong lalakbayin ng kasong isinampa ni Sandro.

Ang kina Gerald ay mag-uumpisa pa lang kung aakyat ito sa korte.

Meron pang kay Rita Daniela na hinihintay na lang ang resolution ng prosecution kung may probable cause.

Patuloy pa rin natin itong susubaybayan.

AiAi, inuudyukang magtayo ng party-list ng mga asawang inapi at iniwan!

May ipinost si AiAi delas Alas sa kanyang Instagram account na ang pagkakaintindi ng netizens ay may balak ito sa dating asawang si Gerald Sibayan.

Sinulsulan pa siyang ipa-revoke na nito ang Green Card na inayos pa para kay Gerald. At ngayon ay ini-enjoy na niya ito sa Amerika, kasama ang bagong karelasyon na ibinuking din naman ng komedyante na pa-blind item sa kanyang social media post.

Pero ayon sa ilang napagtanungan naming taga-Amerika, hindi ganun kadali ‘yun. Kahit daw si AiAi ang nag-ayos na magka-Green Card si Gerald, wala na siyang magagawa kung naibigay na ito.

Unless, nagkaroon ng criminal case doon si Gerald, may grounds para i-revoke ‘yun. Hindi raw sapat na dahilan ‘yung hiniwalayan na siya, babawiin na nito ang green card.

Ang ganda nga ng mensahe ng best friend niyang si Arnell Ignacio sa nakaraang media conference ng post-Valentine concert niyang Timeless… Music and Laughter.

“Naku! Global consultant na siya ng mga kinakaliwa,” bulalas ni Arnelli.

“Sabi ko sa kanya, magpa-workshop na lang siya. Magturo ka na kung paano hina-handle ng mga kinakaliwa!

“Tapos magtayo ka ng party-list mo, AIAI, Asawang Inaapi, Asawang Iniiwan,” natatawang pahayag ng OWWA administrator.

Pero seryoso si Arnell sa sinasabi niyang ‘yan, dahil ang dami raw mga babaeng naaapi lang ng asawang nang-iiwan sa kanila.

Minsan sila pa ang naaapi ng kabit ng asawa nila, kaya dapat meron talagang nakikipaglaban at swak na swak daw diyan si AiAi.

Sinabihan daw niya ang kaibigan niyang tigilan nang mag-iiyak.

“Tingnan n’yo naman, sa dami ng dinaanan niya nakatindig pa rin siya. Magpa-presscon na lang pala siya. Magpa-workshop siya!” natatawa pang pahayag ni Arnell Ignacio.

Ang dami nang ginagawa ngayon ni AiAi, magpakalunod na lang siya sa trabaho at huwag nang seryosohin ang mga lalaki.

SANDRO MUHLACH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with