^

Pang Movies

Alden at Kathryn, ‘di na raw magkasundo! True ba?

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alden at Kathryn, ‘di na raw magkasundo! True ba?
Kathryb Bernardo at Alden Richards
STAR/ File

Malabo na nga bang magtambal ulit sina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos ang massive success ng pelikulang Hello, Love, Again ?

Ang usap-usapan at maging ayon kay Nay Cristy Fermin (sa kanilang online show), super dedmahan na raw ang dating sweet-sweetan na magkatambal.

Lately nga ay walang sighting na magkasama sila.

Ang huli ay nang makiramay si Kathryn sa pagpanaw ng lolo ni Alden.

Nagluksa si Alden sa pagpanaw ng kanyang lolo two weeks ago kaya’t nawala ito sa social media.

“Drop everything. Walang makakapigil sa akin kahit sino when it comes to family. If something goes wrong or something happens kasi, of course, we live in a very demanding world of show business, but iba kasing usapan ‘pag pamilya na eh,” sabi niya sa interview ng GMA News.

Dahil kaya rito, wala nang pag-asang matuloy ang mina-manifest na drama series nila na pwedeng collab ng ABS-CBN ang GMA 7?

Isa nga si GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes sa nagpu-push sa KathDen series pagkatapos ng Hello, Love, Again na ngayon ay highest grossing local movie of all time. “Pero hindi ko alam kung series dahil mas mahirap ang series, mas madali kung movie, so let’s see,” sabi ni Ma’am Annette nang makausap namin sa Konsyerto sa Palasyo Para sa Pelikulang Pilipino noong bago mag-Pasko.

At ang tanungin daw namin ay si Mr. Carlo Katigbak kung anong chance ng KathDen series na andun din sa Konsyerto Para sa Palasyo...

Pero tawa lang ang sagot ni Sir Carlo that time: “Kung anong sinabi ni Annette ‘yun ang totoo.”

Pero totoo bang malabo na talagang matuloy ang susunod na tambalan ng KathDen? Ayaw na rin daw sa totoo lang ng ibang executive dahil ang hirap diumano ng hatian sa kanilang kita.

Barbie, may sagot sa pagiging third party

Supalpal ang isang basher sa komento niya kay Barbie Imperial na naging third party ito.

Sabi kasi ng isang basher sa shared post nila ni Dra. Aivee Teo at Barbie : “Anong klaseng babae ka? Hindi ko matanggap. Pinaka-ayoko sa lahat ‘yung third party. Kahit saan mo tingnan, hindi pa annulled yung mag-asawa pero andyan ka na.”

Hindi nakatiis si Barbie, bumanat siya ng “Anong third party pinagsasabi mo?”

Nauna nang nilinis ng Incognito actor Richard Gutierrez na sangkot si Barbie sa naging problema nila ni Sarah Lahbati.

Anyway, blooming naman si Barbie at alam mong in love tho ang sabi ni Richard ay ‘what you see is what you get’ nga sila ng actress.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with