Sandro, bumulaga sa concert ni Gerald
Hindi sumayaw o kumanta si Sandro Muhlach sa concert ni Gerald Santos na pinamagatang Courage, pero nagkaroon siya ng participation.
Naging bahagi nga si Sandro ng official launching ng Courage Movement ang naging highlight ng concert ni Gerald the other night na ginanap sa Skydome North EDSA.
Kasama sa paglulunsad nila ang mga kapwa nila biktima ng pang-aabuso na sina Enzo Almario.
Ang Courage Movement ay ‘social movement in the Philippines aimed at empowering victims of sexual harassment and abuse. It also aims to raise awareness on these delicate and sensitive issues and how to deal with it objectively.’
Naunang nagsalita si Gerald na suportado nila ang lahat ng mga nabibiktima ng mga pang-aabuso.
“We are here not to give solution to every act of crime committed in our industry or in other fields, but we do offer an alternative refuge for those who are undergoing mental and psychological struggles because of sexual harassment and abuse in their workplace. The Courage Movement, which we are launching tonight, is a movement encourages and empowers the victims to speak out.”
Dagdag pa ni Gerald : “At least man lang ay mabawasan lang natin ang stigma na kaakibat ng mga ganitong sitwasyon, na ang pagsasalita at paglabas patungkol dito ay lilikha lamang ng isang malaking eskandalo sa pamilya at madadamay lamang ang buong angkhan ng biktima, na sobrang kahihiyan lamang idudulot ng pagsisiwalat ng nangyari dahil ikaw ang inabuso ng ibang tao at wala kang nagawa. At ‘yung paghusga ng ibang tao na kaya nangyari ‘yun ay dahil ginusto mo at hindi ka lumaban, na ikaw pa rin ang matinding sisisihin sa nangyari.”
Dagdag naman ni Sandro : “This concert is all about courage. So, parang ‘yung courage is like having a super power. Iyon ‘yung nagbibigay sa’yo ng lakas sa loob para magawa ‘yung tamang gawin. And I think ‘yung courage is important sa lahat ng bagay. Kasi ‘yun ‘yung pagtatanggol sa sarili mo. And I hope lahat ng mga biktima magkaroon kayo ng courage. Mahirap, oo, pero ‘andyan ‘yung family. ‘Andyan ‘yung family ko. Thank you sa papa ko na sinuportahan ako all the time. At lahat ng fans ko.”
Nagpasalamat din sila sa PAVE Philippines na aniya ay nasa likod ng kanilang pagkilos upang may malapitan ang mga katulad nilang naabuso.
“Napakahirap and thank you dahil nandiyan kayo sa likod ko. Lalo na sa Pave Philippines. Maraming maraming salamat sa inyo. Kasi kayo ‘yung nagbigay sa akin ng lakas magsalita and all. Ayun po, thank you.
“Thank you Sandro, for paving the way. Kasi nung lumabas ka, kaya ako nagkaroon din ng lakas ng loob. Kaya, actually, ako ‘yung nakakuha ng lakas sa loob sa iyo. Kaya palakpakan naman natin si Mr. Sandro Muhlach,” pahabol ni Gerald. (Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang independent contractor na sina Jojo Nones at Richard Cruz dahil sa umano’y panggagahasa sa aktor na si Sandro Muhlach.)
Aminado naman ang singer na nakilala ring Thuy sa Miss Saigon Denmark and UK na si Sandro talaga ang naging dahilan kung ba’t pagkatapos ng sampung taon ay inamin niya na naabuso siya ng isang composer.
Sumunod sa kanya si Enzo na ang cute pala nung bata pa base sa mga ipinakitang video sa nasabing concert.
Anyway, bukod sa launching ng Courage Movement, ang dami ring guest sa nasabing concert : Sheryn Regis, Erik Santos, Aicelle Santos, Aster and upco ming singer Elisha na produced ng Echo Jam Entertainment.
- Latest