Nanette, nadagdagan ang responsibilidad sa paglaban sa plastic pollution
Tuluy-tuloy ang kampanya ni Nanette Medved-Po sa mga plastic.
Pero hindi mga plastic na tao, kundi totoong plastic na sumisira sa ating kapaligiran.
Sa isang post kahapon ay nagpahayag siya ng karangalan na maging bahagi ng grupo na lalaban sa plastic pollution.
Ito ay matapos ilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at United Nations Development Programme (UNDP) Philippines ang kanilang National Plastic Action Partnership (NPAP) upang matugunan ang paglala nga plastic pollution sa bansa.
Post ni Nanette : “I’m honored and energized to be nominated to the Steering Board of the new National Plastic Action Partnership (NPAP) Philippines, which launched this week.
“NPAP Philippines, part of the Global Plastic Action Partnership by the World Economic Forum @worldeconomicforum , marks a pivotal step in addressing plastic pollution. Members of the Steering Board include @worldbank @european.union @england.government @wwfphilippines WWF and more.
“As one of the world’s top contributors to marine plastic waste, the Philippines has a crucial role to play in finding solutions to this global crisis. By uniting stakeholders and fostering collective action, NPAP aims to catalyze the transition to a circular economy—turning waste into resources, easing environmental pressures, and improving both economic and social well-being for all. Together, we can be the generation that ends the #plasticwaste crisis!,” buong post ni Ms. Nanette na burado na sa bokabularyo ang balikan ang showbiz.
Anyway, ayon nga sa DENR, ang Pilipinas ay nakaipon ng mahigit 22 milyong tonelada ng basura noong 2024, kung saan 12 to 24 percent ay plastic waste. At ang ilan daw sa mga basurang ito ay napupunta sa hindi wastong pagtatapon sa kapaligiran.
- Latest