Andrea Brillantes, adik sa music
MANILA, Philippines — Nitong Jan. 21, 2025, naganap ang unang Star Magic Spotlight ng taon sa Coffee Project, Wil Tower, Quezon City, kung saan isa sa featured artists si Andrea Brillantes.
Sa ilang taong pag-aartista, marami nang na-achieve na milestones si Andrea, at isa na rito ang pagkilala sa kanya bilang number one sa 2024 Top 100 Most Beautiful Faces list ng TC Candler at Independent Critics.
Ang TC Candler, katulong ang Independent Critics, ay isang kilalang organization na taun-taon ay naglalabas ng globally recognized na 100 Most Beautiful Faces list. Ang list na ito ay kinikilala ang individuals na may natural na kagandahan at may impactful na presence.
Last 2024, nakuha ni Andrea ang top spot. Kasama niya sa listahan ang global icons tulad nina Jisoo of Blackpink at actress-model na si Sydney Sweeney, na pumasok din sa top 10.
Nag-express din siya ng gratitude para sa honor na natanggap niya, “Thankful lang ako, pero siyempre hindi ko siya pinapapasok sa ulo ko na Top 1 ako. Ang saya niya pagbiruan lalo na with my friends… happy lang talaga ako, ang saya lang niya!”
“Hindi lang kasi dapat pretty ka, dapat pretty din ‘yung atittude mo. Nandun talaga ang kagandahan, kapag ang heart mo ay pretty,” she also shared.
Nagbahagi rin si Andrea ng lesser known fact tungkol sa kaniyang sarili: “Hindi alam ng mga tao sakin, mahilig ako sa music. Lumaki talaga ako sa music. Naka-rely din ang mood ko sa music. Kung may heart ako, 80% dun music… I aspire to be a musician one day. Isa sa first kong pangarap ay maging Pop Star,” ni-reveal niya.
“This year, I’m sure makikita n’yo rin ako sa TV anytime soon. Marami rin po ako magiging releases for Lucky Beauty na super excited ako. At marami pa pong iba. Marami kayong aabangan sa akin this year. ‘Yun nalang masasabi ko,” sabi ni Andrea tungkol sa mga plano niya ngayong taon.
- Latest