^

Pang Movies

Jennylyn, nag-training na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jennylyn, nag-training na
Jennylyn Mercado

Pagkatapos ng kanyang contract signing bilang exclusive Kapuso artist, diretso raw si Jennylyn Mercado sa training niya for Jiu jitsu at gun handling para sa gagawing action-drama series kasama ang mister na si Dennis Trillo na Sanggang Dikit.

Noong 2015 pa ang huling pinagsamahan na teleserye nila na My Faithful Husband. This time ay sasabak sila sa action scenes na a la-Mr. And Mrs. Smith.

Matagal ding nakapahinga si Jen sa paggawa ng teleserye after Love. Die. Repeat. Si Dennis ay katatapos lang sa historical drama na Pulang Araw.

Martin, nagpatanda

Natawa si Martin del Rosario sa isang comment ng netizen na nagmukha raw siyang ‘80s porn star dahil sa pinatubo niyang bigote para sa kontrabida role niya sa Lolong: Bayani ng Bayan.

Pero bumagay naman daw kay Martin dahil balbon daw ito mula dibdib hanggang sa mga binti nito. Kaya dapat daw ay sabayan niya ang pag-topless ni Ruru Madrid na ubod naman daw ng kinis ang katawan.

Sabay pala sila nina Ruru at Paul Salas na nag-training para sa iba’t ibang Filipino martial arts gamit ang arnis stick, itak at punyal sa ilalim ng MA expert na si Ronnie Royce “Lakan” Base.

Kevin, inaalala si Whitney

Inalala ng Hollywood actor-director na si Kevin Costner sa kanyang 70th birthday last Jan. 18 ang yumaong singer na si Whitney Houston.

Nakatambal ni Costner si Whitney sa 1992 hit movie na The Bodyguard.

Nag-post ng throwback pics ang Oscar winner sa kanyang Instagram with the caption: “This photo reminds me of how lucky I am to be getting another birthday. We lost such a light when we lost Whitney.”

Pumanaw si Whitney noong February 2012 sa edad na 48. Nalunod ang singer sa bathtub sa Beverly Hilton.

Inamin ng aktor na magkaroon sila ng malalim na koneksyon ni Whitney noong magsama sila sa pelikula.

“I don’t know what it was, but we had a moment, and I realized that the world had a higher idea of who we were, so I basically embraced it. I was her imaginary bodyguard.”

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with