^

Pang Movies

Mavy at Ashley, mag-jowa na

ABOUT SHOBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sina Mavy Legaspi at Ashley Ortega ang nababalitang new showbiz couple ngayon at spotted daw ang sila na magka-holding hands habang pareho silang nasa Cebu. In fairness, hindi maingay ang chikang nanliligaw si Mavy kay Ashley at bigla na lang bumulaga na sila na.

Walang masama kung in a relationship na sila dahil pareho silang single. Si Mavy, matagal nang break kay Kyline Alcantara na nauna pang nagka-love life at naging boyfriend si Kobe Paras.

Si Ashley ay matagal na ring break sa mayor ng Lucena City na si Mark Alcala. Tsinek namin ang Instagram ng Kapuso aktres at positive ang comment sa kanila ni Mavy at sa kanilang relasyon.

Bagay raw sila, they look good together at marami ang kinikilig sa kanila ni Mavy. May tawag na nga ang shippers nila at walang nagreklamo sa napili nilang name na AshMav.

Natawa lang kami sa comment ng isang fan na “Conservative ang ina ni Mavy po” dahil sa sunud-sunod na post ni Ashley sa Instagram na two-piece bikini ang kanyang suot. Parang ang gustong tukuyin ng fan, hindi magugustuhan ni Carmina Villarroel ang photos niya in bikinis.

Kita naman sa mga larawan na nasa dagat o kaya’y nasa tabi ng swimming pool si Ashley at natural lang na swimsuit ang isuot. Tanggap naman siguro ito ni Carmina.

Heart, handa nang mag pasabog sa PFW

Na-excite ang fans sa post ni Heart Evangelista tila sa kanyang calendar na “Paris Fashion Week Begins!” na nakasulat sa Saint Laurent pad. May caption siya na “And so it begins.”

Looking forward na ang fans niya sa kanyang mga post na magaganap sa PFS, lalo na sa kanyang OOTD (outfit of the day). Mula sa bag, jewelry, outfit at shoes dahil sigurado raw na mangangabog na naman ito.

May fans na inaabangan na rin ang song na gagamitin niya na background sa kanyang reels post. May pustahan na nga kung Tagalog o English pa ‘yun.

Waiting ang fans niya sa kanyang mga pasabog, pati kung sino ang mami-meet niya sa PFW at kung anong mga isyu sa kanya ang lalabas. At tiyak na pagsasabungin na naman sila ni Pia Wurtzbach.

May nag-comment na akala raw niya, lilimitahan na ni Heart ang pag-attend ng fashion week dahil napapagod siya. May nagpaalala lang sa commenter na never sinabi ni Heart na babawasan niya ang pag-attend ng fashion week.

Ang sinabi nito ay magiging careful na siya sa paggastos at ang laki nga naman ng kaibahan ng dalawa.

Luna ni Juday, nonchalant kay Gordon Ramsay!

Nasa Instagram ni Judy Ann Santos ang reels ng anak na si Luna nang i-present ng anak ang kanyang drawing kay celebrity chef Gordon Ramsay. Pinapirmahan ni Ramsay kay Luna ang drawing nito sa kanya at ang sabi pa, “Will you sign it for me, Luna? Aw, thank you Luna, I love that.”

Nakakatuwa ang mga comment na kapag nabasa ni Luna, matutuwa rin siya. May nag-comment na nonchalant daw ito meeting Ramsay. Hindi pa nito alam how big a celebrity Ramsay is.

“When you grow older Luna you will realize how big a person Gordon Ramsay is.. haha! Deadma lang si bagets e. Ang cute!!”

MAVY LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with