^

Pang Movies

Pokwang, consistent na luhaan sa lovelife

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Sanay na ang singer, actress-comedienne at TV host na si Pokwang sa kanyang role bilang single parent sa kanyang dalawang anak na sina Mae at Malia.

Makailang beses na ring nag-fail ang pakikipagrelasyon ni Pokwang na ang pinakahuli ay ang American actor na si Lee O’Brian na bumalik na ng Amerika na na-deport nung nakaraang April 2024 dahil na rin sa reklamong isinampa ni Pokwang sa Bureau of Immigration.

Si Lee ang ama ng youngest daughter ng singer-comedienne na si Malia who turned 7 last Jan. 18.

Unknown to many, si Pokwang ay isa na ring grandmother ng isang four-year-old boy na si Gabriel sa kanyang panganay na si Mae na isinilang nung pandemic time.

Nung nagtatrabaho pang OFW sa Abu Dhabi si Pokwang, she lost her five-year-old son na nagkasakit ng brain tumor kaya panibagong blessing ang pagdating ng kanyang kauna-unahang apo.

Sa ngayon ay focused siya sa kanyang trabaho at negosyo at nagsisilbi niyang inspirasyon ang kanyang dalawang anak at apo.

Rez, salbahe lang ang hitsura

“Hindi ako salbahe sa totoong buhay,” diin sa amin ng veteran character actor at pangulo ng Mowelfund na si Rez Cortez nang ito’y a­ming makapanayam sa aming online show, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.

Kung gaano ‘kasama’ ang mga papel na gina­gampan niya sa pelikula at telebisyon ay siya namang kabait nito sa totoong buhay, a loving and caring husband (of more than 40 years) sa kanyang misis na si Candy at ama ng kanilang apat na anak (including actress-comedienne na si Cai Cortez) at grandfather sa kanyang mga apo.

Unknown to many, si Rez ay nagsimula bilang school dancer when he was in college sa University of the East hanggang sa siya’y maging isang professional dancer hindi lamang sa folk dance kundi maging sa modern jazz. Naging member siya noon ng Amelia Apolinario Dance Group maging ng Allegro Dancers at nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-perform sa Cultural Center of the Philippines at iba pang venues including television.

From dancing ay pinasok ni Rez ang teatro at naging in-demand umano siya noon sa papel na Judas sa mga play ng Jesus Christ Superstar na tumagal din ng 15 years.

Dahil barkada niya noon sina Dick Israel at Roi Vinzon sa Recto, ang una ang tumulong sa kanya para mapasok niya ang showbiz hanggang sa magtuluy-tuloy na ito at isinantabi na niya ang kanyang pagiging dancer.

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with