Kim, naging bongga ang career kay Coco
BONGGA may panibagong yugto pala ang FPJ’s Batang Quiapo sa pagsisimula ng ikatlong taong laban ni Tanggol (Coco Martin). At siyempre ang suwerte si Kim Domingo. Bumongga ang career niya.
Nakita ko ang isang official poster na inilunsad para rito at inaabangan na rin ang pag-anunsyo ng mga bigating artista na papasok sa serye.
Sa true lang maangas si Coco sa bagong poster na tampok ang iba’t ibang buwis-buhay at makapigil-hiningang mga eksena ng karakter niyang si Tanggol.
Kaya dapat abangan sa bagong yugto ang mas pinatinding mga sagupaan at rebelasyon kasabay ng pagpasok ng mga bagong karakter na maaaring maging panibagong kalaban o kasangga ni Tanggol sa kanyang mga maaaksyong laban.
Sinu-sino ba ‘yun?
Samantala, sa ginanap na Sinulog Festival Kapamilya Karavan noong Enero 18, pinangunahan ni Coco ang pagpapasalamat sa mga tagasubaybay ng FPJ’s Batang Quiapo.
Nakasama rin ang cast sa pag-iikot upang batiin ang mga Cebuano sa ginanap na Sinulog Float Parade kahapon.
Pero napansin ko rin ha, ang bongga ng tili kay Kim ng mga Cebuano.
Saka gumanda siya sa sa totoo lang.
Bongga rin ang tili sa kanya nang pumarada siya sa Navotas para sa 119th Navotas Day Grand Parade last weekend kasama si Navotas Cong. Toby Tiangco.
May jowa ba si Kim? Sila pa ba nung basketball player na karelasyon niya?
Hahaha. Basta nakilala siya noon.
- Latest