Romcom queen daw agad...Jennylyn, inaagawan ng title sina Sarah at Toni?!
Inaalmahan ng mga fans nina Sarah Geronimo, Bela Padilla, Julia Barretto, at Toni Gonzaga Ang ‘RomCom Queen’ title ni Jennylyn Mercado. Para sa mga fans ng mga nabanggit, mas karapat-dapat sila sa nasabing title dahil mas marami silang nagawang romcom movies na kumita.
Nilatag naman ng mga fans ni Jennylyn ang romcom movies na ginawa nito at mga ebedensya na kumita rin ang mga pelikula nito. Sabi ng mga fans ni Jen, kaya nag-iingay ang Kapamilya fans dahil na-fake news sila dahil hindi totoo na lilipat sa ABS-CBN ang aktres.
Apela pa ng mga fans, puwede naman daw marami ang RomCom Queen dahil pare-parehong genre ang ginagawa nila.
Muli raw ipapakita ni Jennylyn ang husay sa romance comedy movie sa February 26, 2024 showing ng Everything About My Wife ng director na si Real Florendo.
Speaking of Jennylyn, today, Tuesday ang sinasabing pagpirma niya ng renewal ng kontrata niya sa GMA Network. Inaabangan ito ng mga fans niya at kahit hindi niya fans dahil nga sa naunang tsikang iiwan niya ang GMA para lumipat sa ABS-CBN.
Sa contract signing ni Jennylyn, i-a-announce na rin siguro kung kailan nila gagawin ni Dennis ang action-comedy series nilang Sanggang Dikit.
Paolo, kinainggitan
Ang daming nainggit kay Paolo Contis dahil na-meet niya at nakapagpa-picture pa siya kay celebrity chef Gordon Ramsay. Pinost ni Paolo ang picture nila ni Ramsay kung saan ang ganda-ganda ng smile niya.
Pinost din ni Paolo ang dishes na mga niluluto ni Ramsay, kaya mas marami ang nainggit sa kanya.
Comment ni Kaye Abad, “Uy!!!” na sinundan ni Chariz Solomon ng “Inggit meeee.” ‘Yung iba, “OMG” at “Grabe sya” na lang ang nasabi.
Nag-participate naman sa demo sina Chefs Judy Ann Santos, Ninong Ry, at may collab si Abi kay Ramsay. Ang ganda rin ng smile ni Judy Ann sa picture nila ni Ramsay at may caption na “Chef Judy Ann’s dream came true today! Up-close with Chef Gordon Ramsay himself.”
- Latest