Jessy, walang choice sa pulitika
Kung si Jessy Mendiola lamang ang masusunod, ayaw na ayaw niyang pumasok sa larangan ng pulitika ang kanyang mister, ang TV host-actor at entrepreneur na si Luis Manzano. Pero since nagdesisyon na ito ay wala siyang choice kundi ang suportahan ito maging ang kanyang mother-in-law na nagbabalik-pulitika at nakababatang kapatid ni Luis na si Ryan Christian na unang beses ding papalaot sa sa eleksyon.
Kung papasukin ni Luis ang pulitika, magba-balik showbiz naman si Jessy sa bakuran ng ABS-CBN.
She is soon to start a new TV series na pagtatambalan nila ni Gerald Anderson.
Tito at Helen, pinagsama-sama ang mga kaibigan
Helen Gamboa-Sotto, ang butihing maybahay ng dating Senate President at isa sa mga poste ng longest-running noontime show, ang Eat Bulaga na si Tito Sotto ay nag-host ng isang intimate dinner get-together sa kanilang tahanan in Ayala Alabang last Sunday, January 18. Ito’y dinaluhan nina Maricel Soriano, ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos at mga veteran stars na sina Dante Rivero, Elizabeth Oropesa, Nova Villa, Celia Rodriguez, Marissa Delgado, Dulce Lukban and daughter Pops Fernandez, Eva Darren, Baby Smith, at Epy Quizon. Naroon din si Pempe Rodrigo at ang talent manager na si Shirley Kuan.
Bukod sa kanilang mag-asawa, naroon din ang kanilang mga anak na sina Romina, Lala, Gian, at Ciara maging ang kanilang mga apo.
Since matagal na hindi nagkita-kita ang magkakaibigan, katakut-takot na tsikahan ang nangyari with matching masarap na pagkain catered by Florabel.
Si Nova Villa ang naging life of the party kaya nag-enjoy ang lahat na umuwing may bitbit na white orchid plant bilang souvenir mula kay Helen.
Ang mister ni Helen na si Tito Sen ay muling tatakbo sa pagka-senador sa darating na halalan maging ang kanilang kaisa-isang anak na si Gian Sotto sa pagka-vice mayor ng Quezon City, the very first position ni Tito Sen nung una siyang sumalang sa pulitika in 1988.
- Latest