Heart, umabot sa 164 milyon ang engagements sa social media
Massive pala talaga ang engagement ng social media platforms ni Heart Evangelista.
Kaya kasali siya Hall of Fame: The Top Influencers for 2025 ng Wearisma for January to December 2024.
May nag-tag sa kanya ng mga number –164 million engagements, 19.2 million reach and 98% positive audience sentiment.
At inaasahang tataas pa ang nasabing figure dahil sa maraming exciting post niya.
Lalo na nang i-upload niya ang alagang si Panda na may caption na “Queen P finally made time for me.”
Nakaupo si Panda na mukhang relaxed.
As expected, kanya-kanyang interpretation ang followers and haters ni Heart na tiyak na nagpataas ng engagement sa kanyang social media pages dahil pilit itong kinokonek kay Pia Wurtzbach.
At ang advantage ni Heart, magaling din siyang mag-caption, may humor.
- Latest