Ate Vi, game sa part 2 ng pelikula nila ni Bong
Tawa ang sagot ni Star for All Seasons Vilma Santos kung may chance na magkatambal ulit sila ni Sen. Bong Revilla sa pelikula.
Tho hindi agad-agad siyempre dahil sa midterm elections. Pareho silang magiging busy sa kampanya.
“Hahaha. Relax Ka Lang… Sagot Kita Part 2, Hahahaha! Why not ,” aniya.
Nagkasama ang dalawa sa 50th birthday and Tapatan 50 book launching ni Anthony Taberna last Thursday at nagka-chance kami na maki-photo op sa dalawang actor / pulitiko.
Kabilang sila sa 50 personalities na featured sa libro ng broadcast journalist na mas kilalang Ka Tunying.
At inamin ni Ate Vi sa published interview na continuous journey ang pulitika at marami ang nagsasabi na mas bagay siya sa mas mataas na position, hindi lang sa Batangas.
“Again I don’t want to plan things. With due respect walang mga plano. Hindi po madali. Hindi madali akala ninyo ba? Even itong foreign issues natin ngayon – ganyan kadali ‘yan? China? How to handle? Hindi po ganon kadali po ‘yan,” sabi niya sa interview ni Ka Tunying.
At aniya, ang isang natutunan niya sa pagseserbisyo ay non-stop. “Hindi pwedeng, ‘Ah, nagawa ko na ‘yan, tapos na.’ Walang katapusan. Non-stop learning and giving solutions, So, ang ang pinakaimportante lang is ‘yung effectiveness.”
- Latest