Iwa at Bugoy, nakabawi sa pagbebenta sa tiktok
Kung sa bansa ay ang daming TikToker ang yumayaman dahil sa pagbebenta, sa Amerika, bawal na ito, na merong 170 million users.
Ayon sa mga online report, dahil sa pangamba na ang nagmamay-ari nito sa China ay nagdudulot ng banta sa pambansang seguridad, banned na ito sa US.
Sinabi ng kumpanya sa isang pahayag na “sa kasamaang palad ay mapipilitang magdilim ang TikTok sa Enero 19 (American time).”
Sinasabi ng batas na ang mga app store at pangunahing cloud computing provider ay hindi maaaring maghatid ng TikTok sa mga consumer ng US maliban kung ang kumpanya ay ibinebenta ng Chinese parent company nito, ang ByteDance, sa isang hindi Chinese na may-ari.
Samantalang dito sa atin, massive ang TikTok shopping.
Like sina Iwa Motto and Bugoy Cariño, ang laki diumano ng income ng pagbebenta sa TikTok store kaya wala man sila sa showbiz, malaki naman ang kita nila.
- Latest