^

Pang Movies

Karla, tinawag na mommy ng jowa ng ex

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Karla, tinawag na mommy ng jowa ng ex
Karla Estrada.
STAR/ File

Mukhang may away sa pagitan nina Karla Estrada at kasalukuyang girlfriend ng ex niyang si Jam Magno.

Nag-post ang fiancée ng ex ni Karla na nagngangalang Jellie Aw, na isa raw DJ, at buong tapang nitong minention ang nanay ni Daniel Padilla.

Sa post nito ay mukhang dinamay raw ni Karla ang trabaho niya at sinabing “Karla estrada nanahimik ako!

“wag mo damay work ko.”

Tingin ng mga netizen baka diumano  dumirekta si Karla sa trabaho ni Jellie na baka tinawagan o pinuntahan niya ang workplace nito.

Pero hindi lang iyon dahil mukhang inaasar at talagang ginagalit niya si Karla dahil tinawag niya pa itong “mommy” at sinabing nananahimik daw siya.

Baka nga raw makasuhan ni Karla ang gf ng ex niya dahil nagbanggit ito ng pangalan.

Pero pag-aaksayahan kaya iyon ni Karla ng oras?

Tanong nga ng mga marites ay ano raw nga kaya ang nangyari at ano ang ginawa ng dating Face to Face host?

Hindi pa raw kaya nakaka-move on si Karla sa ex?

Maaalalang matapos nilang mapabalitang hiwalay na ay nag-flex na ang ex niya ng bagong jowa. At apat na buwan pa lamang daw ang relasyon ng dalawa ay nag-propose na ito habang sila ni Karla ay tumagal ng ilang taon ay walang naganap na proposal.

Mukhang dedma lang si Karla dahil nag-post lang ito ng kanyang selfie kung saan may new blessing daw at nagpasalamat sa kanyang partners.

KARLA ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with