^

Pang Movies

Gela Atayde, ang daming iyak sa dance show nila ni Robi

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gela Atayde, ang daming iyak sa dance show nila ni Robi
Gela Atayde.
STAR/ File

Mababaw pala ang luha ng anak ni Sylvia Sanchez na si Gela Atayde. Ilang beses siyang naging emosyonal sa mediacon ng Time To Dance, ang bago niyang show sa ABS-CBN and debut rin niya as a TV host.

Isa sa nagpaiyak kay Gela ay ang video message ng kuya niyang si Arjo Atayde.

“Me and Kuya don’t talk kasi a lot, so when he’s like, messages like this, I get really like, emotional cuz we’re not ma-words,” ani Gela matapos mapanood ang message ng kuya niya.

“When I get stuff like that, I get really emotional cuz it’s like a reward. Na it’s a reward and a reminder to keep going and when he said that I never let go, that’s true.

“There were so many times talaga, it brought me back to the moments na I wanted to stop dance or give up, but then, I would remember kuya, like he’s really one of the people that kept me going,” emosyonal pang dagdag ni Gela.

Kinuwento nga rin ng co-host niya sa Time To Dance na si Robi Domingo na talagang napakaiyakin ni Gela at umiiyak parati sa struggles ng mga contes­tant sa show. Kaya nga ilang beses daw silang nagka-cut ng takes para patahanin muna si Gela.

“Grabe rito ang puso ni Gela. I think umiyak ka rito ng 52 times. Every time may elimination, iiyak na naman si Gela. It’s how she shows her heart and passion. I think it’s endearing,” sabi ni Robi.

Sabi naman ni Gela, “this is an advocacy project for me. It’s because being part of the dance community, I see the ins and outs of what really happens. ‘Yung mga kulang, ‘yung mga sobra. Here in Time To Dance, I want to be able to help those who want to explore dance more and also inspire. Nabuo ang Time To Dance because of the heart and passion na nakita nila sakin.”

Ang Time to Dance ay ang newest dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios. Nagsimula na ang airing nito kagabi at mapapanood every Saturday, 8:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at TFC.

Rufa Mae, wala pang alam sa diborsyo nila ng mister

Nilinaw ni Rufa Mae Quinto na wala pang nagpa-file ng divorce sa kanila ng Fil-Am husband na si Trevor Magallanes.

Sa guesting ng sexy comedienne sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday, inamin niyang may problema silang mag-asawa at hinihintay lang niya na magkausap sila.

“Bilang asawa syempre inaantay ko lang na maklaro kami, mag-usap pa rin kung totoo ba talaga ‘yan ang nararamdaman niya kasi lagi nga rin kasi akong wala eh. So baka naman pwedeng lambingan na muna, makiusap, pasensya na,” sabi ni Peachy (tawag kay Rufa Mae).

“Kasi syempre pagod ako, lagi akong wala, in short. Syempre, there’s always two sides of the story, pero naiintindihan ko rin na hindi naman, syempre, puro lang ako ang tama. Siyempre, siya rin naman may reason din. Pero we’re going through something,” dagdag niya.

Kung talagang ayaw na raw ni Trevor, tatanggapin naman niya pero wala pa raw talagang nagpa-file ng divorce.

“Kasi kung ayaw na rin naman n’ya bakit ko hindi rerespetuhin ‘yon? Pero ‘yung legalities sa mga file-file, walang nag-file ng divorce. So, hindi ako magpa-file kasi ang dami nang nag-file, nag-file na rin ako, so ang daming file.

“Ayoko munang mag-file sa mga divorce-divorce. Dito rin naman kasi kami kinasal sa (Pilipinas), so hindi ko alam kung anong gagawin, masyadong masakit pa,” aniya.

Tinatanong nga raw siya ng kanyang anak na si Athena ng “When our family will be together?” na napakahirap daw sagutin.

Sa tanong kung mahal pa niya ang asawa, sagot ng sexy comedienne, “Oo naman mahal ko siya, siyempre, at saka gusto ko, siyempre, makumpleto ang pamilya namin.”

Natanong din kung gusto pa ba niyang magkabalikan sila ng mister at ani Rufa, “ako kasi kung ayaw na rerespetuhin ko ‘yon kahit na masakit sa akin. Siyempre, ‘di ba, bakit ko pipilitin ang isang tao kung ‘yon ‘yung nararamdaman n’ya?”

Dagdag pa niya, “Hangga’t nga walang nagpa-file, waiting lang. Kumbaga, hindi mo tinatapos kasi para rin sa anak namin ‘yon. Saka wala naman kaming matinding pinag-awayan. Ako gusto ko pa siya, ‘di ba?”

Matatandaang kinumpirma ni Trevor sa kanyang Instagram post last December na hiwalay na sila ni Rufa at kasalukuyan nang pinoproseso ang kanilang divorce.

“Hey guys, I felt like I need to explain myself based on social media and all that. I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce.

“You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents. That being said my marriage has been a shit show and i am sorry for that

“All that matters me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena. Happy holidays!” ang kabuuan ng statement ni Trevor.

GELA

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with