^

Pang Movies

Vic at Darryl Yap, nag-abot sa piskalya!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Vic at Darryl Yap, nag-abot sa piskalya!
Vic

Maingat na maingat sina Vic Sotto at direk Darryl Yap nang dumating sila kahapon sa Muntinlupa RTC sa paghaharap sa writ of habeas data na isinumite ni Bossing Vic kaugnay pa rin sa pelikulang The R*pists of Pepsi Paloma.

Kahit anong kulit ng mga reporter na umaga pa lang ay andun na sa Muntinlupa ay wala silang napala.

Kapwa ring tahimik ang kanilang kampo sa mga naganap sa nasabing paghaharap dahil na rin sa pagsunod sa gag order na inilabas ng korte.

Walang makapagsabi kung ano pa ang nangyari sa hearing dahil umabot sila ng mahigit tatlong oras sa loob ng tanggapan ng fiscal.

Naunang umalis si Bossing Vic kasama ang asawang si Pauleen Luna at medyo matagal ang gap bago lumabas si direk Darryl Yap.

Matipid naman ang sagot ng direktor sa mga nangungulit ng tanong tungkol sa pelikula : “I’m okay. I’m still finishing the movie.”

Hinuhulaan na hindi na mapapalabas ang nasabing pelikula dahil na rin sa isinampang 19 counts of libel ni Bossing Vic.

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with